MAS makabubuting magparaya sa Speakership race ang isang mambabatas na ang tanging credential ay suportado ng isang malaking business tycoon kaysa igiit ang ambisyosong panaginip, ayon sa isang political analyst.
Inulit ni political analyst Ranjit Rye hindi pang-OJT (on-the-job training) ang trabaho ng isang House Speaker, kaya mas mainam umano na magparaya sa Speakership race si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Deretsang sinabi ni political analyst Ranjit Rye na walang sapat na kakayahan kompara sa ibang mga kandidato si Velasco kaya mas makabubuting magparaya sa mga senior at seasoned politicians na taglay ang kalipikasyon para maging magaling na lider ng Kamara.
Dagdag niya, sa murang kakayahan ni Velasco ay dapat “watch, listen and learn” muna siya sa Kamara at hindi dapat targetin ang posisyon bilang House Speaker.
“Despite his passion to be a Speaker, he really should give way to more senior members. He has a long way to go, pero ngayon in his younger years what he should do is really to watch, listen and learn. Speakership post is for the seasoned politicians who has the experience, the character and the intergrity, “ pahayag ni Rye.
Mas hahangaan pa umano si Velasco kung magpaparaya, dagdag ng political analyst.
Si Velasco ay two-termer congressman ng lalawigan ng Marinduque.
Aminado si Rye, isa sa dahilan ng paglutang ng pangalan ni Velasco na maging House Speaker ay bunsod ng pagkakaroon ng backer na malaking negosyante.
“We cannot have a Speaker who lacks credibility, lacks experience and is only backed by big businesses. The House of Representatives needs a good Speaker that is not easily manipulated by strong business interest and one who gets the job done,” dagdag ni Rye.
Ang pagtakbo ni Velasco ay sinasabing suportado ng isang business tycoon na una nang kinompirma mismo ng kapartido ni Velasco sa PDP Laban na kapwa tumatakbo rin sa Speakership race na sina dating House Speaker Pantaleon Alvarez at Pampanga Rep. Dong Gonzales na may vote buying sa Kamara at nasa P1-M hanggang P7-M ang suhulan para sa boto.
HATAW News Team