NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na nag-uutos sa lahat ng transport terminal sa buong bansa na magkaroon ng malinis na palikuran, breastfeeding stations, at libreng wi-fi service para sa mga pasahero.
Nakasaad sa Republic Act (RA) 11311 na nilagdaan ni Duterte noong 17 Abril 2019, na obligado ang mga may-ari, operators at administrators ng land transportation terminals, stations, stops, rest areas, at roll-on/roll-off o RORO terminals na ayusin ang kanilang mga pasilidad sa pamamagitan nang pagbibigay ng libreng internet services at malinis na sanitary facilities.
“It shall be unlawful to collect fees from passengers for the use of regular sanitary facilities,” ayon sa batas.
Upang makagamit ng libreng pasilidad, kailangan ipakita ng pasahero ang kanyang bus ticket.
Ang may-ari ng terminal na lalabag sa batas ay pagbabayarin ng P5,000 multa kada araw.
(ROSE NOVENARIO)