Wednesday , April 16 2025

SONA ni Duterte inihahanda, 3 pre-sona kasado na

NAGHAHANDA na ang Malacañang para sa nalalapit na state of the nation address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te sa susunod na buwan.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, itinakda nila ang tatlong magkakasunod na ling­gong pre-SONA forum.

Ito ang pag-iikot ng mga miyembro ng gabi­nete sa iba’t ibang rehiyon sa bansa para ipaliwanag at ilatag sa mga tao ang mga nagawang accom­plish­ments ng adminis­trasyong Duterte.

Gaganapin aniya ang unang pre-sona forum sa 01 Hulyo sa PICC na pangungunahan ng eco­nomic development and infrastructure clusters nina Finance Secretary Carlos Dominguez at DPWH Mark Villar.

Sa Cebu naman gagawin ang ikalawang pre-SONA forum  sa 10 Hulyo na pangungu­nahan ng participatory governance, human develop­ment and pro­verty reduction clusters na pinamumunuan ni DILG Secretary Eduardo Año.

Ang ikatlong pre-SONA forum ay gagawin sa Davao sa 17 Hulyo ng climate change cluster at security, justice and peace cluster nina Environment Secretary Roy Cimatu at  Defense Secretary Delfin Loren­zana.

Ito ang ikalawang beses na nagsagawa ng tatlong araw na  pre-SONA forum ang go­byerno, una ay noong nakaraang taon na ginanap sa Metro Manila.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *