NAUNA rito, ipinagtanggol ni Presidential Spokesperson, Secretary Salvador Panelo na hindi tameme si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu nang paglubog ng fishing vessel na na-hit-and-run ng Chinese fishing boat.
Ani Panelo, hinihintay ni Pangulong Duterte ang mga detalye hinggil sa insidente bago maglabas ng opisyal na pahayag ang Punong Ehekutibo.
“He’s (Duterte) not silent. He’s waiting for the facts to set in before he makes any declaration,” ani Panelo sa press briefing sa Malacañang kahapon.
Kaugnay sa posibleng paghingi ng ayuda sa Amerika alinsunod sa Mutual Defense Treaty (MDT), tiniyak ni Panelo na susundin ng Filipinas ang mga nakasaad sa kasunduan.
“E kung ano ang dapat/nararapat doon sa agreement na iyon, we will do that,” aniya.
Inihayag noong Biyernes ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na ang pag-atake sa South China Sea ng dayuhang armadong sibilyan na pinayagan ng kanilang gobyerno ay puwedeng maging dahilan upang umayuda ang Amerika sa Filipinas alinsunod sa MDT.
(ROSE NOVENARIO)