Saturday , November 16 2024
OFW kuwait

Deployment ban ng OFW sa Kuwait hiniling

HINILING ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP -ECMI) na magpatupad ng deployment ban sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.

Hinikayat din ng CBCP- ECMI ang gobyerno na ipatupad ang kasunduang pinagtibay ng Filipinas at Kuwait noong nakaraang taon para sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga OFW.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, dapat tiyakin ng dalawang bansa na mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng isang Filipina na inabuso ng isang airport security personnel sa Kuwait.

Bukod sa pagtulong at pagbibigay ayuda, kailangan aniyang ipatupad ang nasabing kasunduan upang matigil na ang pang-aabuso sa OFWs.

“Both government must see to it that the suspected rapist-in-uniform must be prosecuted, punished, justice must be served to our con national,” ani Santos.

Malinaw aniya na paglabag sa kasunduang nilagdaan ng dalawang bansa sa pangangalaga sa kapakanan, kaligtasan at pangangalaga sa karapatan ng mga manggagawang Filipino.

Naninindigan din ang Obispo na dapat maaresto at maparusahan ang 22-taong gulang na suspek na kinilalang si Fayed Naser Hamad Alajmy na dumukot at gumahasa sa OFW.

Ipinatupad ang total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait, noong Pebrero ng nakalipas na taon matapos ang kalunos-lunos na pagpatay kay Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng isang freezer.

Binawi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ban noong Mayo ng nakaraang taon matapos lagdaan ng pamahalaan ng Filipinas at Kuwait ang isang kasunduan na naglalayong mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW sa Kuwait.

Sa kasunduan, nakapaloob ang pagkakaroon ng special police unit na magsisilbing katuwang ng Embahada ng Filipinas sa pagsasagawa ng rescue operations at pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangang OFWs.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *