Saturday , November 16 2024

Sa Speakership… Vote buying hinamon talakayin sa kampo ng PDP Laban

UNANG umugong ang isyu ng vote buying sa House Speakership nang kompirmahin ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez at sinundan ito ng rebelasyon ni Pampanga Rep. Dong Gonzales na aabot sa P7 milyon ang bribe money para makuha ang boto ng isang mambabatas.

Sina Gonzales at Al­va­rez ay kapwa kabilang sa PDP Laban kaya hamon ng isang political analyst mainam na isa rin sila sa dapat silipin ng partido.

Ayon kay political analyst Ranjit Rye, bagama’t matagal nang ugong ang bilihan ng boto tuwing may botohan sa House Speakership ay hindi ito dapat isantabi lalo’t integridad ng ilu­luklok na House Speaker ang nakasalalay dito.

Sa panig ng Party-list coalition, ibinunyag na isa sa kanilang miyembro ang nilapitan din at inalok.

Unang umalma ang ilang mambabatas sa isyu ng suhulan sa pangu­nguna ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa pagsasabing nakasisira ito sa instutusyon.

Bagamat kapwa hindi tinukoy nina Alvarez at Gonzales kung sino ang nasa likod ng vote buying, isa sa lumutang ang pa­ngalan ng isang business tycoon na kilalang ma­lapit kay Speaker aspirant Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, na mula rin sa PDP Laban.

Samantala, sinabi ni political analyst Mon Casiple, hindi na bago ang isyu ng vote buying o suhulan sa House Speaker­ship dahil noon pa man ay may malalaking negosyante na ang nasa likod ng mga tumatak­bong kandidato.

Aniya, hindi lang sa Kamara gumagapang ang mga tycoon kundi ma­ging sa senado at sa pre­sidential race ay may kanya-kanyang kan­didatong sinusu­porta­han.

Ang ipinagkaiba uma­no noon ay tago ang lobbying ng business tycoons kompara ngayon na hayagan na.

Sa isang press con­ference, una nang bina­tikos ng Makabayan Bloc ng Kamara ang pakiki­alam ng mga tycoon sa Speakership race.

“The Speakership is a front war among business tycoons with vested legis­lative agenda to cradle their interests. Definitely may interes sila sa speaker­ship dahil ‘yung billion dollar interest nila ay nakatali sa mga pabo­rableng batas at inter­vention ng Kongreso. May business interests sila sa key sectors gaya ng power, water, fuel, tele­communications, and transportation sectors,” pahayag ni ACT Party-list Rep. Antonio Tinio.

Sa kasalukuyan, may ‘bid’ ang tinutukoy na business tycoon sa 53% o nasa P1.59-T sa P3-T halaga ng major infras­tructure projects sa Build Build Build Program kabilang dito ang P735-B airport sa Bulacan; P338.8-B Manila Bay Integrated Flood Control, Coastal Defense, and Expressway Project, at P554-B Expansion ng Metro Manila Skyway and the South Luzon Express­way (SLEX).

Bukod dito, apat na Major Public Private Partner­ship Projects sa ilalim ng Aquino ad­minis­tration ang naku­hang proyekto ng busi­ness tycoon kasama ang SLEX at TPLEX toll road projects, NAIA runway expansion at multibillion Bulacan Water project.

Isyu rin sa nasabing tycoon ang hindi pagba­bayad ng kanilang sub­sidiary company na South Luzon Premiere Power Corp (SPPC) na nag-o-operate ng natural gas power plant sa Batangas ng pagkakautang sa Power Sector Asset and Liabilities Management (PSALM) ng P19.5 bilyon.

Bukod kay Velasco na may backing ng business tycoon, suportado naman ng Marcoses ang kandi­datura sa Speakership ni Leyte Rep. Martin Ro­mual­dez.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *