Monday , May 12 2025
party-list congress kamara

Press release ni Nograles kinontra… Wala pang house speaker — Parylist Coalition

BUTATA si PBA Partylist Rep. Jericho Nograles nang tahasang itanggi kahapon ni Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI) President Mikee Romero ang ipinalabas nitong press release na nagsasabing dalawa na lamang ang pinagpipilian ng kanilang koalisyon para maging House Speaker, sa pagitan na lamang umano nina Leyte Rep. Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Inilinaw ni Romero na walang katotohanan na sa pagitan na lamang nina Romualdez at Velasco ang kanilang pinagpi­pilian sa Speakership race, sa katunayan uma­no ay sa susunod na Linggo pa ang kanilang nakatakdang pagpu­pulong para desisyonan kung sino ang susupor­tahan.

“There is no official PCFI position yet as we have to meet all our congressmen members by next week,” paglilinaw ni Romero.

Dahil sa ipinalabas na press release ni Nograles ay tila na-bypass o na­etsapwera si Romero na aktibo sa koalisyon mata­pos ang pagkakahalal bilang Presidente ng PCFI.

Patutsada ni Romero kay Nograles, bagamat iginagalang nila ang sentimyento ng bawat isa sa kanilang miyembro ay mainam na hintayin pa rin ang opisyal nilang posisyon.

Nanindigan si Romero na bloc voting ang kani­lang gagawing pagboto sa Speakership.

“In the end, the PL Coalition after the process will vote as one big bloc,” pahayag ni Romero.

Kaugnay nito, dala­wang buwan bago ang botohan ng Kamara para sa susunod na House Speaker, inaasahang mas titindi pa ang lobbying sa hanay ng mga mamba­batas.

Una nang inamin ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales, maliit ang sinasabing P1 mil­yong alok para sa boto sa Speakership dahil posible itong umabot hanggang P7 milyon.

Hindi kaduda-duda na umabot nang ganito kalaki ang suhulan mata­pos kompirmahin ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Rep. Antonio Tinio na ang Speakership ay “proxy war of tycoons.”

Isa sa nasabing business tycoons ang tinutukoy na key player sa House Speakership race matapos lumutang ang pangalan na sinabing nagpopondo para sa kandidatura ni Marin­duque Rep. Lord Allan Velasco.

Ang pagiging malapit ng dalawa ay maiha­hambing umano sa pagi­ging pamilya dahil ang asawa ni Velasco na si Gwen ay itinuturing na anak-anakan ng nego­syante at siya rin nagma-manage ng ilang negosyo niya.

Una nang nagpa­hayag ng pangamba ang ilang political analyst sa pakikialam ng tycoon sa House Speakership lalo na’t tiyak umano na ang interes niya ang mabi­bigyan ng proteksiyon sa oras na mahirang si Velasco.

Nabatid na ang tycoon ang bidder sa 53% o nasa P1.59 trilyon sa P3 trilyong  halaga ng major infrastructure projects sa Build Build Build Pro­gram kabilang ang P735 bilyong paliparan; P338.8 bilyong integrated flood control, coastal defense and expressway project; at P554 bilyong eks­pansiyon ng Metro Manila Skyway at South Luzon Expressway (SLEX).

Bukod dito, nasung­kit ng kompanya ng tycoon ang apat na Major Public Private Partnership Projects sa ilalim ng Aquino administration kasama rito ang SLEX at TPLEX toll road projects, NAIA runway expansion at multi-billion Bulacan water project.

Kung si Velaso ay iniuugnay sa tycoon, si Romualdez naman ay sinasabing may backing ng Marcoses.

Si Romualdez ay pamangkin ni dating Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Bukod sa tycoon ni Velasco, sinasabing may take din sa Speakership na tinukoy ni Tinio ay sina business tycoon Danding Cojuangco, at Casino magnate Enrique Razon.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *