Saturday , November 16 2024

Suhulan sa speakership resolbahin

HINILING ng isang mambabatas na huwag ipagkibit balikat ng House of Representatives ang isyu ng suhulan sa Speakership race sa katuwirang seryosong akusasyon ito na dapat silipin.

Ang hamon ay gina­wa ni Alliance of Con­cerned Teachers (ACT) Pary-list Rep. Antonio Tinio sa harap na rin ng nakatakdang pagpu­pulong ng PDP Laban members ngayong araw para talakayin kung sino ang ibobotong House Speaker gayondin ang inaasahang pagpa­pala­bas ng desisyon ng Partlylist Coalition ng kanilang susuportahang Speaker.

Sinabi ni Tinio na mainam na hindi lamang kung sino ang susu­portahang House Speaker ang pag-usapan kundi maging kung sino ang nasa likod ng sinasabing suhulan para masungkit ang puwesto.

Matatandaan na una nang kinompirma ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na may P1 milyong suhulan sa Speakership, bagamat hindi pinangalanan ni Alvarez ay tinukoy naman si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na nasa likod ng suhulan, at sinabing close ally ni business magnate Ramon Ang ng San Miguel Corporation ang sinasa­bing nagpopondo rito.

Lalong umugong ang isyu ng vote buying sa Speakership matapos aminin ni 1 Pacman Party­list Rep. Mikee Romero na may isa sa kanilang miyembro ang nilapitan na at tinang­kang suhulan gayondin ang rebelasyon ni Pam­panga Rep. Dong Gon­zales na aabot sa P7 milyon ang suhulan sa lalong umiinit na speakership race.

Ang isyu ng suhulan ay kapwa nanggaling sa kampo ng PDP Laban, partikular kina Alvarez at Gonzales kaya naman dapat umanong talakayin ito ng kanilang partido lalo at ang kampo ni Velasco na kabilang din sa kanilang partido ang sinasabing gumagapang at nanunuhol.

Una nang kinom­pirma ni PDP Laban President Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na ang kanilang partido ay pipili kung sino kina Alvarez, Velasco at Gonzales ang ipanlalaban bilang House Speaker.

Una nang nagbanta si Pimentel sa kanyang mga kapartido na mahaharap sa parusa kung hindi iboboto ang mapipili ng partido ngunit ilang PDP Laban members ang nagpahayag ng pagkontra kabilang si Albay Rep. Joey Salceda na hayagan ang pagsuporta kay Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez na mula sa  Lakas Christian-Muslim Democrats.

Nasa 153 boto ang kailangan para makuha ang Speakership, sa mga partido, ang Nacionalista Party na may 43 miyem­bro at ang National Unity Party na may 27 miyem­bro ang maagang nagbi­gay ng suporta kay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano para maging susunud na House Speaker habang ngayong Linggo umano ihahayag ng Partylist Coalition na may 61 miyembro ang kanilang susuportahan.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *