Thursday , December 19 2024

Pinakamayamang mang-aawit sa mundo

SIKAT na mang-aawit, makeup entrepreneur, lingerie designer at ngayo’y kauna-unahang black woman na nangangasiwa ng isang top luxury fashion house, nakalikom si Rihanna ng mahigit US$600 milyon para hiranging world’s richest female musician at pinakamayamang mang-aawit sa buong daigdig, ayon sa pamosong Forbes magazine.

Isinilang na Robyn Rihanna Fenty sa Barbados, ang 31-anyos singer ay nagmamay-ari ngayon ng yamang lumabis pa kay Madonna (US$570 milyon), Celine Dion (US$450 milyon) at Beyonce ($400 milyon), na ang asawang si Jay-Z ay pina­ngalanan kamakailan lang bilang kauna-unahang bilyonaryong rap star.

Sa pagkakatala bilang ‘number one’ sa pinaka­maya­yamang mang-aawit, nagbigay ng bagong pananaw sa lyrics ng isa sa mga awitin ni Rihanna—”work, work, work, work, work,” na siyang nagbukas ng kanyang 2016 dancehall smash na Work.

Simula nang umeksena sa industriya ng musika noong 2003, nagawang ihabi ni Rihanna ang kanyang mga tagumpay sa masasabing ‘entrepreneurial gold’ para ilunsad ang sarili niyang makeup brand na Fenty Beauty noong Setyembre 2017 online at sa Sephora.

Malaki sa kinikita ng pop celebrity ay nagmumula sa kanyang mga touring at musical releases, ayon pa sa Forbes, ngunit mayroon din nagmumula sa kanyang beauty at clothing products, tulad ng Savage X Fenty lingerie line, na isa siyang co-owner.

Noong buwan ng Mayo, inilunsad ni Rihanna ang groundbreaking partnership sa LVMH para maglunsad ng luxury fashion brand na nakabase sa Paris, France.

Inaasahang makikipag­sabayan sa sikat na mga legacy brand tulad ng Dior, Louis Vuitton, Fendi at Givenchy sa conglo­merate na pinangungunahan ni Bernard Arnault.

“I just want to see things from my perspective. I’m a young black woman who loves and embraces all of the young people’s ideas and energies — I’m so about that,” pahayag ng singer sa panayam ng AFP sa Paris.

“It is about turning all of that into something luxurious for this fashion house,” dagdag niya.

“I never thought I’d make this much money, so a number is not going to stop me from working,” wika pa niya sa T Magazine ng The New York Times.

“Money is happening along the way, but I’m working out of what I love to do, what I’m passionate about.” (Kinalap ni Tracy Cabrera)

About Tracy Cabrera

Check Also

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *