Monday , December 23 2024

PhilHealth officials pinagbibitiw ni Duterte

INATASAN ni Pangu­long Rodrigo Duterte si senator-elect Christopher “Bong” Go na sabihan ang mga opisyal ng PhilHealth na magsumite ng kanilang resignation letter.

Ayon kay Go, baga­man naniniwala si Pangu­long Duterte na walang kinalaman sa nangya­yaring iregularidad ang officer-in-charge ng PhilHealth na si Dr. Roy Ferrer, kasama rin siya sa pinagsusumite ng liham pagbibitiw, sa ilalim ng prinsipyo ng command responsibility.

Kahapon ay humarap kay Pangulong Duterte ang mga opisyal at board members ng PhilHealth.

Ayon kay Go, paki­kinggan muna ng Pangulo ang paliwanag nila ngunit desidido ang Punong Ehekutibo na palitan silang lahat.

Sinabi ni Go, inamin ni Ferrer nang makausap niya noong Sabado ng gabi na sadyang nalusutan sila.

May mga imporma­syon din aniyang naka­rarating sa pangulo na may namumuong friction sa hanay ng mga opisyal ng PhilHealth partikular sa pagitan ng  tinatawag na Visayas at Mindanao block na sinasabing pawang mga nagsisiraan.

Ayon kay Go, kasama siya ng pangulo at mga opisyal ng PhilHealth at malalaman niya  kung ano ang magiging pinal na pasya hinggil dito ng Punong Ehekutibo.

Matatandaan, napa­ulat ang paggamit ng pondo ng PhilHealth para sa ghost dialysis patients.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *