Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rollback sa presyo ng petrolyo ipatutupad ng oil companies

BIG TIME oil price roll­back ng produktong petrolyo ang ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa simula ngayong hatinggabi.

Nitong Sabado, nau­na nang nagpatupad ng bawas presyo ang kom­panyang Phoenix Petro­leum Philippines dakong 6:00 pm na bawas presyo ng diesel 2.70 kada litro habang 2.60 sa gas kada litro.

Naglabas ng abiso ang kompanyang Seaoil kahapon na magpa­patu­pad ng pagtapyas ng presyo na P2.45 kada litro ng gasolina, P2.70 kada litro ng diesel, at P2.60 kada litro ng kerosene epektibo kahapon 12:01 am.

Habang ang kompan­yang Pilipinas Shell at Petro Gazz ay magpapa­tupad ng kanilang bawas presyo 6:00 am bukas, 11 Hunyo, sa kahalintulad na halaga.

Asahan na magsu­sunurang magpatupad ng big time oil price rollback sa mga produk­tong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa tulad ng Petron Corporation, Caltex, Total Philippines, PTT Philippines at iba pang kompanya ng langis.

Ang ipinatupad na bawas presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyo sa pan­daig­digang pamilihan.

Matatandaan, nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas presyo  ang mga kom­pan­ya ng langis na P1.70 kada litro ng gasolina, P1.05 kada litro ng diesel at P1.00 sa kada litro ng kerosene.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …