SINABI ni OFW Partylist Rep. Aniceto John Bertiz mas maganda ang China para sa mga yaya at kasambahay kaysa Middle East.
Aniya ‘more promising’ ang labor market sa China para sa mga Filipino dahil ang mga dayuhan at mayayamang Chinese ay nangangailangan ng kasambahay.
“Working and living conditions in China overall are better compared to the Middle East,” ani Bertiz.
“The problem with the Middle East is that they still have the kafala system, which China does not have,” dagdag ni Bertiz.
Aniya, walang kafala sa China kompara sa Middle East na kailangang may sponsor ang isang OFW bago makapagtrabaho.
“Because of kafala, many employers tend to abuse their workers, whose passports are seized,” paliwanag ni Bertiz.
Ang sistema ng kafala ay umiral sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Kuwait, Bahrain, Iraq, Jordan, Lebanon, at Oman.
Dahil sa kafala, maraming employers sa Middle East ang hindi sumusunod sa $400 minimum na sahod kada buwan na itinalaga ng Philippine Overseas Employment Administration para sa mga Filipino domestic staff sa ibang bansa.
“In Saudi Arabia, for instance, there are employers who still pay their Filipino household service workers only $200 monthly,” ani Bertiz.
Ayon kay Bertiz mas maganda ang oportunidad ngayon sa China na may 600,000 dayuhang nakatira at nagtatrabaho maliban sa mga middle class na Chinese na gustong matuto ang mga anak magsalita ng Ingles.
Sa kasalukuyan, halos, 200,000 na ang mga OFW sa China.
(GERRY BALDO)