Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hiling na panalangin para kay Manoy Eddie, dagsa

MABILIS ang reaksiyon ng mga kapwa niya artista sa nabalitang pagko-collapse ng actor at director na si Eddie Garcia habang nagte-taping ng  ginagawang serye sa Tondo noong Sabado. Naging maagap naman ang mga tauhan ng GMA na ang actor ay maisugod sa pinakamalapit na ospital, iyong Mary Johnston Hospital sa Tondo rin. Pero walang masyadong lumabas na detalye, maliban doon sa wala siyang malay. Mali ang sinasabing comatose, maaaring “unconcious” lamang si Manoy. Kung in coma iyan, hindi mare-revive iyan kung maghapon lang.

Noong mai-revive si Manoy, mabilis naman siyang inilipat sa St. Luke’s dahil mas moderno ang facilities doon at naroroon ang kanyang cardiologist na nakaaalam ng history ng kanyang sakit sa puso. Importante na ang doctor mo mismo na nakaaalam ng history ng iyong sakit, at nakakita na ng mga naunang ECG o 2D Echo tests ang tumitingin sa iyo.

Wala pa ring pinalabas na medical bulletin sa bagong ospital hanggang kahapon ng umaga, pero nagbigay na ng statement ang kanyang pamilya na conscious na siya pero nasa isang kritikal na kondisyon pa rin. Iyang atake sa puso, hindi mo masasabing maayos na ang lagay niyan kung mga tatlong araw lamang pagkatapos ng atake.

Hihintayin pa natin kung ano ang sasabihin ng kanyang mga doctor. Maaari siyang isailalim sa iba pang mga medical procedure na makatutulong sa kanya, pero may nagsasabi ngang sa kanyang edad sa ngayon, parang mahirap na ring basta siya pakilusin.

Pero totoong malaking bagay ang nagagawa ng mga panalangin, kaya iyon din ang hinihiling ng kanyang pamilya. Aba lahat na halos ng mga artista humihiling din sa mga tao na ipanalangin si Manoy. Ganyan talaga basta mabuti kang tao.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …