Tuesday , May 13 2025

Dahil sa nakalusot na P1-B droga… BoC at PDEA official ipatatawag ng Senado

NAKATAKDANG ipatawag ng senado ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bunsod ng panibagong pagkakalusot ng 140-kilos ng droga sa Aduana na nagkakahalaga ng P1-bilyon.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, Chairman ng Public Order Committee ng Senado, sa pagbubukas ng 18th Congress ay ipatatawag niya sina BOC Comm. Leon Guerrero at dalawa nitong kaklase sa Philippine Military Academy (PMA), na sina retired Gen. Donato San Juan, at Gen. Raniel Ramiro.

Ipapatawag si PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino upang matanong kung bakit nakalusot pa rin ang nasabing droga gayong mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay sa lahat ng shipment na dumarating sa bansa at kung ano ang partisipasyon ng ahensiya sa nabistong auction ng droga.

Nagtataka ang senador kung bakit ipinasubasta pa ang mga kontrabando na dapat sana ay kinokompiska base sa Customs Modernization and Tariff Act upang sirain o kaya’y sunugin.

“Hindi mo na kailangang pag-isipan pa para makita ang mga butas sa gawa-gawang kuwento ng mga opisyal ng mga nasabing ahensiya” ayon kay Lacson.

Pero depensa ng mga opisyal ng BoC at PDEA, sinadya umano nilang ipasubasta ang mga droga para gamiting ‘pain’ para matunton ang tunay na may-ari nito.

Buwelta ni Lacson, hindi kapani-paniwala, sa halip ay ‘panlilinlang’ sa publiko ang alibi ng mga nasabing opisyal.

Si Guerrero ang pangatlong commissioner ng BoC na inilagay ng Pangulo matapos sibakin noong nakaraang taon si retired P/Gen. Isidro Lapeña dahil nalusutan din ng anim na bilyong pisong halaga ng shabu na itinago sa magnetic lifters na narekober sa Cavite.

Pinalitan ni Lapeña bilang hepe ng BoC si Nicanor Faeldon, na dating Philippine Marines officer, matapos malusutan nang higit sa P1 bilyong shabu pero narekober sa Valenzuela.

Si Guerrero ay miyembro ng PMA class 1984 habang si Lapeña ay nagtapos sa naturang academy noong 1975 habang si PDEA chief Aquino naman ay graduate ng PMA class 1985.

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *