Tuesday , July 29 2025

Comelec kinondena sa ‘pagkontra’ sa utos ni Duterte laban sa Smartmatic

KINONDENA ng grupong Mata sa Balota ang hayagang ‘pagkontra’ ng Commission on Elections (Comelec) sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang Smartmatic ng kompanya na malinis sa kahit anong klaseng anomalya.

Sa opisyal na pahayag ni Mata kay Balota Movement (MSBM) Chairman Atty. Leo O. Olarte, M.D., abogado at dating presidente ng Philippine Medical Association at kasalukuyang vice president ng Philippine Hospital Association, partikular na tinukoy ng grupo ang pahayag ni Comelec spokesman James Jimenez na kinakailangan ng ‘legal basis’ para sa pagbasura sa Smartmatic.

“That comment is uncalled for. Let us respect the wisdom our beloved President. Due to his unique position as the highest executive officer of this nation he is privy to a lot of information many of us are never aware of.  The legal basis to prevent SMARTMATIC from ever participating again in any electoral process in the Philippines can be found in the various cases that Mata sa Balota and our multi-sector partners filed in 2016 and also in 2019 against both Comelec and Smartmatic at the Ombudsman and the Supreme Court. These cases involves issues starting from repeated violations of certain sections of the Automation Election Systems (AES) law to even electoral sabotage,” pahayag ni Olarte.

Samantala, ayon kay Mata sa Balota spokesman Dr. Michael Aragon, kakasuhan nila sa pagbubukas ng  18th Congress sa Hulyo ng  impeachment ang mga komisyoner ng Comelec dahil sa paglabag sa AES law

“Mata sa Balota and our multi sector partners nationwide will file an impeachment case this July in the 18th Congress versus the current Comelec commissioners but as I speak we are now going around the nation to call upon the Filipino people to an immediate and urgent action to start a real Peoples Initiative (P.I.) to amend the 1987 constitution to abolish the current Comelec and replace it with a newer version that is completely answerable to our people. We are doing this action in full support to our beloved President Rodrigo Duterte especially on his recent statements on Smartmatic and related election issues, “ ani Aragon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SSS

SSS maglalabas ng binagong Calamity Loan Program (CLP) guidelines; pagbaba ng interest rate sa 7%, pinapayagan ang renewal pagkatapos ng anim na buwan, pinasimple ang proseso ng pag-activate para sa napapanahong tulong pinansiyal

INIANUNSIYO ng Social Security System (SSS) na maglalabas sila ng revised Calamity Loan Program (CLP) …

Bulacan PDRRMO NDRRMC

Bulacan, pinaigting disaster response sa mga binahang munisipalidad

HABANG patuloy na nararanasan ang epekto ng habagat na pinalakas ng mga bagyong Crising, Dante, …

NDRRMC

25 katao patay sa 3 bagyo at Habagat

PATAY ang 25 katao sa magkakasunod na pagtama ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong …

Sara Duterte Bam Aquino

Bam Aquino nanindigan impeachment trial vs VP Sara dapat ituloy
Humingi ng caucus sa mga kapwa Senador

NANINDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara …

Scoot Flight TR 369 Plane

Torre vs Baste boxing match sinibatan

HABANG excited sa paghahanda si Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre, mukhang ‘drawing’ …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *