HUWAG magpadala sa politika at iwasan ang paggamit ng karahasan.
Ito ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay incoming senator Christopher “Bong” Go sa ginananp na thanksgiving party para sa kanyang longtime aide kamakalawa sa Davao City.
Anang Pangulo, maaaring tumagal nang hanggang 12 taon sa Senado si Go kapag ginampanan nang mabuti ang tungkulin at bigyan prayoridad ang mga mamamayan.
“Six years ka. You just do your duty, perform another six years. That’s 12 years. Wala kang problema magtrabaho. So alagaan mo at saka ‘yung tao. Unahin mo…ikaw alam mo,” anang Pangulo.
Ang pasya aniya ni Go na pamunuan ang Health Committee sa Senado ay mabuti upang mas matulungan niya ang mahihirap.
“Alam mo, sa karamihan diyan… patay na ‘yan pagdating ng ospital. Public or private hospital, ibigay sa iyo,” dagdag niya.
Maaari aniyang magamit ni Go ang impluwensiya upang makapangalap ng mga ayuda para sa mga maralita.
“I’m just telling you how to do it properly. Panahon na. Next president, nandiyan ka pa man. Huwag kang pumayag na magpatayan. Sabihan mo ‘yang presidente, umalis ka na lang. Hayaan mo na sila mag-usap,” sabi ng Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)