Sunday , December 29 2024

Manila Water, patuloy ang aksyon para suportahan ang operasyon ng mga DOH hospitals

Patuloy ang Manila water sa pagsasagawa ng mga teknikal na solusyon upang siguraduhing sapat ang water supply na gagamitin ng mga pasyente sa limang pampublikong ospital na lubhang naapektuhan ng water shortage sa East Zone ng Metro Manila.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakikipag­tulungan na ang Department of Health (DOH) sa Manila Water upang i-monitor ang water supply ng mga nasabing ospital at siguraduhing hindi ito mawawalan ng tubig.

“Nangako ang Manila water na bibigyan nila ng buong atensyon ang pagsasaawa ng mga network adjustments at iba pang teknikal na solusyon upang maibalik sa normal ang water supply at hindi maantala ang aming serbisyo dahil buhay ng mga pasyente ang nakasalalay dito,” dagdag ni Secretary Duque III.

Kabilang sa mga naapektuhang ospital sa Metro Manila ang Philippine Heart Center (PHC), National Kidney Transplant and Institute (NKTI), East Avenue Medical Center (EAMC), Lung Center of the Philippines, at National Children Hospital sa Quezon City, pati na rin ang Rizal Medical Center sa Pasig City.

Nagkabit na rin ang Manila Water ng dala­wang (2) line boosters sa NKTI at tig-isa (1) naman sa PHC at EAMC upang pansamantalang pala­kasin ang water pressure habang wala pang mga bagong water sources na makakatugon dito.

Sa gitna ng narana­sang malawakang mga service interruption noong Marso, binigyang prayo­ridad ng kon­sesyunaryo na mag­karoon ng sapat na imbak ng tubig ang mga ospital na nabanggit sa pamamagitan ng patuloy na pagpupuno ng mga cisterns nito.

Ngayong Mayo 20, ang water availability rate ay nananatili sa 99%, kung saan ang mga kabahayan sa Metro Manila ay nakararanas ng water supply sa ground floor level sa loob ng 24/7 na nasa 7 psi (pound per square inch) na pressure, habang patuloy na kumukuha ng treated water ang konsesyunaryo sa Cardona Treatment Plant, deepwells at cross-border flow mula sa Maynilad.  Ang 24/7/7 na ‘service obligation’ ay naayon sa mandato ng Concession Agreement ng Manila Water sa go­byerno.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *