Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3rd Eddys nominees, ‘di popular choice ang pinagbasehan

HINDI naging basehan ang “popular choice” sa ikatlong Eddys na ibibigay ng samahan ng mga lehitimong entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo sa taong ito. Iyong limang napili nilang best picture nominees ay kinikilala sa kahusayan, pero isa man sa mga iyon ay hindi naging box office hit. Puro sila pasang awa sa takilya.

Pero hindi naman talaga iyong kita ang basehan. Kasi ang kategorya nga ay “best picture” ibig sabihin iyong sa kanilang judgement ay siyang pinakamagandang pelikula sa lahat ng napanood nila. Lahat naman ng may K pinanood nila.

Gayunman, sa katergoryang best actress napansin naming may tatlong sikat ngayong mga artista, sina Kathryn Bernardo, Sarah Geronimo, at Nadine Lustre. Sila ang makakalaban ng mga beteranong sina Gloria Romero, Judy Ann Santos, Angelica Panganiban at iba pa.

Sa best actor, nakasingit ang ngayon ay number one matinee idol na si Daniel Padilla, na siyang makakabangga ng iba pa.

Kung pagbabasehan mo ang nominasyon, sa taong ito, ang Eddys ay desididong ibigay ang kanilang parangal doon sa mga inaakala nilang mahuhusay na pelikula, wala mang commercial value ang mga iyon. Kung tutuusin naman kasi ang dapat tumingin doon sa may commercial value iyong nagbibigay ng award sa box office, na kung minsan nakakapagduda rin.

Ano man ang mangyari, iyan kasing Eddys, iyan ang inirerespetong award ngayon sa industriya dahil sa loob ng tatlong taon, wala pang naririnig na kung ano mang anomalya mula sa kanila. Aba eh, malaking kahihiyan naman kung magkakaroon ng anomalya dahil editors lahat ang mga iyan, at tangay nila pati ang pangalan ng kanilang mga lehitimong diyaryo. Hindi bale sana kung editor lang ng isang diyaryo na ipinambabalot ng tinapa at tuyo sa Divisoria, eh iyong mga diyaryo nila, iyan ang binabasa.

Kaya ano man ang kalabasan niyan, tanggap iyon ng publiko.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine 

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …

Kip Oebanda Odette Khan

Veteran actress Odette Khan bumubuti na ang kalagayan

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY ng update ang writer-director ng Bar Boys na si Kip Oebanda sa kalusugan ng veteran …

Dr Michael Raymond Apacible Aragon Salome Salvi Tiyo Bri

Adult content creater Salome Salvi idinemanda ng KSMBPI 

I-FLEXni Jun Nardo NAKU, sinampahan na ng reklamo ang sexy actress turned adult content creator …

Bong Suntay Anne Curtis

Bong Suntay kinondena ng AKTOR sa pambabastos kay Anne Curtis 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KINONDENA at hindi pimalampas ng League of Filipino Actors (AKTOR) ang pambabastos ni …

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …