PINAALALAHANAN ni Albay Rep. Edcel Lagman ang mga miyembro ng papasok na Kongreso na harangin ang pagpasa ng federalismo at pagpapalit ng Kongreso sa Constituent Assembly.
Ani Lagman, ang pag-iisa ng Kamara at ng Senado bilang Constituent Assembly, na maraming alyado ng pangulo, ay magmimistulang ‘rubberstamp’ ng Malacañang.
“The subservience to the administration which is now happening in the House will certainly happen in the projected Constituent Assembly composed of the supermajority blindly allied with the President,” ani Lagman.
Aniya, dapat alalahanin na ang pagmadali sa pagpapalit sa federalismo ay lalong makakasama sa ekonomiya.
Nauna nang sinabi ni NEDA Director General Ernesto Pernia na ang pagpapalit ng uri ng gobyerno tungo sa federalismo ay masama sa ekonomiya lalo kung hindi ito pinaghandaan.
Ayon kay Lagman ang pinakabagong survey mula sa SWS at Pulse Asia ay nagpahayag na 25 porsiyento ang may nalalaman tungkol sa panukalang pagpapalit ng gobyerno sa federalismo. (GERRY BALDO)