Thursday , April 10 2025

Youth Commission ipinababakante kay Cardema

INUTUSAN ng Palasyo si National Youth Commis­sion Chairman Ronald Cardema na bakantehin ang puwesto at isumite ang lahat ng hawak niyang dokumento sa Office of the President.

Ang direktiba, ayon kay Presidential Spokes­man Salvador Panelo, ay kasunod nang pag-abandona ni Cardema sa kanyang posisyon nang maghain ng petition for substitution bilang first nominee ng Duterte Youth party-list sa Comelec.

“The Palace therefore requires Mr. Cardema to vacate his office forthwith and turn over all official papers, documents, and properties in his posses­sion to the Office of the President,” ani Panelo.

“We understand that Mr. Cardema’s petition has yet to be approved by the Comelec as the body is still currently tackling the procedural and sub­stantive legalities of the same. Regardless of the outcome, we deem that Mr. Cardema has already abandoned his present position because his act of filing the petition abso­lutely reflects his intention to relinquish his office and exposes his desire to serve the govern­ment in a dif­ferent capacity,” ani Panelo.

Magtatalaga aniya ng bagong NYC chairman si Pangulong Duterte na magsusulong ng mga tunay na interes at kapa­kanan ng mga kabataan sa bansa. “The President shall soon appoint a person who can advance the genuine interests and welfare of our country’s youth as the new chair­person of the NYC,” dagdag ni Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Vice Ganda George Royeca Angkasangga Partylist

Vice Ganda ‘napasagot’ ng Angkasangga Partylist

MARAMING partylist ang nanligaw para sa endorsement ni Unkabogable Star Vice Ganda, ngunit tinanggihan niya ang mga …

Vilma Santos

Batangas gov bet pinagpapaliwanag sa ‘laos’ remark laban kay Vilma 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY lang ang kampanya sa Batangas ni Vilma Santos–Recto kahit may nagsasabing laos na …

Bulacan Police PNP

‘Boy Tattoo’ tiklo sa gun ban

rapist, carnapper nasakote rin INARESTO ng pulisya ang isang lalaking lumabag sa Omnibus Election Code …

Shamcey Supsup Ara Mina

Shamcey kumalas sa partido; Ara tahimik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBITIW na rin si Shamcey Supsup-Lee bilang kapartido ng Kaya This sa Pasig City. Bunsod ito …

Vilma Santos

Plataporma ang ilatag at ‘di pambabatikos

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WALANG ipinagkaiba ang abogado na taga-Pasig kay Jay Ilagan ng Batangas na nanlait …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *