Saturday , November 23 2024

Sue, puring-puri ang K-Pop Idol na si Shinwoo

ANG bait-bait ni Shinwoo.” Ito ang tinuran ni Sue Ramirez ukol sa K-Pop idol at miyembro ng Blanc 7 boy band na leading man ng Kapamilya actress sa pelikulang Sunshine Family ng Spring Films at Korean Studio Film Line Pictures Production.

Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa South, Korea na pinagbibidahan din ng celebrity couple na sina Nonie at Shamaine Buencamino kasama ang Kapamilya child star na si Marco Masa.

Masayang-masaya si Sue sa naging experience niya sa Sunshine Family at sa pagiging leading lady ng K-Pop idol. Hindi nga niya inaasahang magkakasundo sila agad bagamat magkaiba sila ng kultura at lengguwahe.

“In-expect ko talaga na mahihirapan ako kasi una sa lahat language barrier. Malaking factor kasi ‘yun with ‘yung workplace, kung paano kayo mag-communicate with each other. Siyempre iba ‘yung culture, iba ‘yung way of living talaga kompara sa Pilipinas at sa mga Koreano. Pero sobrang naging smooth lang,” ani Sue.

Kuwento pa ni Sue, nagpapaturo si Shinwoo ng Tagalog sa kanya. ”Tinuturuan din namin siya ng kung ano-anong kalokohan kaya it was a very fun experience and we got to sing together. Mayroon po kaming ini-record na kanta in Korea na magiging parte ng pelikula so it was a great experience.”

Ibinahagi rin ni Sue ang ilang natutuhan niya sa Korean entertainment industry. ”Pinakabagong experience ko o knowledge na natutuhan ko is working with Koreans talaga. Kung paano sila sa set na sobrang tahimik nila magtrabaho, na kapag work, work talaga, at on time sila  lagi.”

Ang Sunshine Family ay ukol sa pamilyang Filipino na anumang hirap na pinagdaraanan, nakangiti pa rin. Kasi nga, Filipinos are known to be happy people.

“Laging nakangiti, very hospitable na kahit walang makain ipakakain pa rin sa bisita ‘yung pagkain so iyon ‘yung representation of a Filipino family that was represented beautifully in this movie,”paliwanag ni Sue.

Ibinase ang Sunshine Family sa 1991 Japanese movie na Hit And Run Family na isang drama-comedy. Gaganap sina Shamaine at Nonie bilang mag-asawang sina Sonya at Don Mapalad. Sina Sue at Marco ang  mga anak nila. Limang taon na silang naninirahan sa Korea at haharap sa isang matinding pagsubok matapos ma-involve sa hit-and-run accident si Don.

Palabas na sa mga sinehan ang Sunshine Family sa June 5 na idinirehe ni Kim Tai Sik, isang Korean director.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *