Friday , December 27 2024

Submission ng pelikula para sa PPP 3, extended

IN-EXTEND ng Film Develop­ment Council of the Philippines (FDCP) hanggang Hunyo 15, 2019 ang deadline ng pagsusumite ng finished films o films in post-production stage na kukompleto sa final slate ng mga pelikula para sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Sa press conference noong Marso 28 sa Gloria Maris, Gateway Mall sa Cubao, Quezon City, inanunsiyo ng FDCP ang tatlong (3) projects na nasa advanced stage of development o production stage na kasama sa lineup ng mga pelikula ng PPP3. Ang Cuddle Weather ni Rod Marmol mula sa Project 8 corner San Joaquin Projects, LSS (Last Song Syndrome) ni Jade Castro mula sa Globe Studios, at The Panti Sisters ni Perci Intalan mula sa The IdeaFirst Company, Inc. ang tatlong (3) pelikulang kabilang sa walong (8) PPP films ngayong taon.

Isang co-production fund na aabot hanggang P2-M ang ibibigay sa mga mapipiling project. Kasama na rito ang production equipment na nagkakahalagang P1-M na sponsored ng CMB Film Services.

Tatanggap ang PPP ng entries mula sa Filipino independent production companies at major film studios para sa huling limang (5) slots na kukompleto sa lineup.

Ang mga mapipiling pelikula ay bibigyan ng co-production fund na aabot ng hanggang P2-M. Kasama rito ang publicity at promotion support mula sa sponsors na nagkakahalaga ng P1-M, at halos P1-M naman ang nakalaan para sa finishing funds o marketing at distribution grant, na inaprubahan ng FDCP.

Ang guidelines at form ay maaaring i-download sa http://fdcp.ph/programs/pista-ng-pelikulang-pilipino.

“Lagi naming sinisiguro na tampok sa PPP ang mga pelikulang nagke-cater sa iba’t ibang taste ng mga audience kada taon. Para sa third year ng PPP, na-inspire talaga kami sa first three films na napili namin. Inaasahan namin sa natitirang limang pelikula na mas magbibigay sila ng excitement at mag-aalok ng dagdag pang variety sa mga pelikulang napili na namin” sabi ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.

Ang PPP ay isang week-long event na eksklusibong nagpapalabas ng de-kalidad na Filipino genre films sa lahat ng sinehan sa buong bansa. Ito ang opisyal na nagmamarka ng Sandaan, ang pagdiriwang sa Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino. Alinsunod sa Presidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembre, ang FDCP na film agency ng bansa ang itinalagang manguna sa Sandaan. Ang Proclamation naman ay inihayag sa karangalan ng Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno, ang itinuturing na unang Filipino-produced at directed film na inilabas noong Setyembre 12, 1919.

Ang PPP ay tatakbo sa lahat ng sinehan sa bansa sa Setyembre 2019. Ang Fire and Ice Productions at CMB Film Services ay proud sponsors ng event.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *