Tuesday , December 24 2024

May mahika nga ba sa senatorial elections?

WASTONG imbestigahan ng Kongreso ang mga naitalang katakot-takot na aberya sa vote counting machines (VCM) at secure digital (SD) cards sa kasagsagan ng eleksiyon nitong Lunes.

Sinabi ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, chairman ng joint congressional oversight commitee on the automated elections system (JCOC-AES) para sa Senado, na magpapatawag siya ng imbestigasyon kaugnay ng pagkakaantala ng eleksiyon dahil sa mga pumalyang VCM at SD cards.

Matatandaang nakondena ng marami si Pimentel sa resulta ng 2016 elections nang ipatigil niya ang imbestigasyon sa Smartmatic sanhi ng mga glitches kaya nagtataka siya ngayon kung bakit marami pa rin palpak na aberya sa VCM at SD cards.

Sabi ni Pimentel: “Glitches are enough to call for a congressional investigation. Why are we still having all these glitches? Cannot Comelec (Commission on Elections) anticipate them?”

Makikipag-ugnayan na si Pimentel sa JCOC-AES ng Kamara, na pinamumunuan ni CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna, para sa congressional oversight hearing kapag muling binuksan ang sesyon sa Mayo 20.

Una nang binatikos ng mga senador ang Comelec sa pagpalya ng mga VCM, na nagpa­antala sa pagboto sa iba’t ibang polling precincts sa bansa.

“Too many reports of malfunctioning VCMs nationwide. Hence the question to ask now is: Why did Comelec report that all VCMs passed the diagnostic tests?” dagdag ni Pimentel.

Sinabi ni Sen. Nancy Binay, “totally un­acceptable” ang mga nasa­bing aberya dahil tini­yak na sa kanila ng Comelec na magiging maa­yos ang hala­lan.

“This glitch is so weird… We have the right to know what’s really going on? #unbelievable,” tweet naman ni Sen. Joel Vil­lanueva kaha­pon.

Wala sa katwiran ang Comelec of­ficials sa pangu­nguna ni Chairman Sheriff Abbas na nasangkot sa dagdag-bawas sa Maguindanao sa mga nagdaang halalan kaya mahirap patu­nayan na walang dayaan sa natapos na eleksiyon.

Lumalabas na nagkaroon ng dayaan nang walong oras na hindi nakapag-transmit ang transparency server sa senatorial elections para matiyak na No. 1 si Sen. Cynthia Villar at walang papasok sa dilawang Otso Diretso para lubos na makontrol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senado.

Ito ang dapat imbestigahan nina Pimentel at Tugna dahil sa tinagal-tagal ng preparasyon ng Comelec, mahirap paniwalaan na papayag sila sa “mababang kalidad” ng SD cards bilang katuwiran sa pagpalpak sa halalan.

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *