SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Food and Drug Administration (FDA) director general Nela Charade Puno dahil sa isyu ng korupsiyon.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa panayam kahapon.
“Effective immediately,” ang pagsibak kay Puno, ayon kay Panelo.
Walang dagdag na detalyeng inihayag si Panelo sa isyu.
Matatandaan, bago ang halalan noong 13 Mayo, sinabi ni Duterte na magpapadala ng dismissal letter sa mga tatanggalin niya sa puwesto.
(ROSE NOVENARIO)