HINUSGAHAN ng mga botante ang mga natalong kandidato mula sa mga sikat na political dynasty batay sa klase ng kanilang pamamahala, ayon sa Palasyo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, simple lang ang sukatan ng mga botante lalo na kung ang pag-uusapan ay nasa lokal na antas.
Kung sa tingin nila ay naging maayos ang pamumuno ng kanilang lider, tiyak na bibigyan sila ng mandato pero kung palpak ay hindi na ihahalal muli.
Ani Panelo, ito marahil ang nangyari sa ilang mga kilalang pamilyang kabilang sa mga tanyag na political dynasty na nakalasap ng pagkatao at tila tinuldukan na ang karera sa politika.
Ilan sa mga kandidato mula sa kilalang political clan na sumemplang sa katatapos na halalan ay mula sa pamilyang Estrada, Eusebio at maging si dating Vice President Jejomar Binay na mahigit tatlong dekada sa politika ay tinabla ng mga botante sa Makati City.
ni ROSE NOVENARIO