Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, tatlong pelikula ang tinanggihan

MAINGAY ang balitang may gagawing pelikula ang Heaven’s Best Entertainment na pagbibidahan ni Nora Aunor at ididirehe ni Joel Lamangan. Ito ay ang Isang Bahaghari  kasama sina Tirso Cruz III at Christo­pher de Leon na mula sa panulat ni Eric Ramos.

“Isa uling mapangahas na istorya ang pinaplano at sana makasama ulit kami sa MMFF, hopefully makaabot kami sa deadline ngayong May 31,” saad ni Harlene Bautista, producer ng Rainbow’s Sunset.

Ayon kay Direk Joel, nakausap na nila sina Ate Guy, Pip, at Boyet pero hinihintay lang ang script para mabasa. Pero naikuwento na niya ang istorya at nagustuhan naman ng tatlo.

Ani Eric, umaasa silang hindi ito magkaka­problema dahil maganda ang cast at maganda ang kuwento ng pelikula.

Napanayam namin si Nora sa charity show na Dibdiban Ba ‘To! na sinuportahan si John Rendez at nabanggit nitong hinihintay pa niyang magka-usap sila ni Direk Joel. Hindi pa pinal ang usapan pero aminado si Ate Guy na nagustuhan niya ang proyekto at handa niyang gawin.

Sa kabilang banda, tatlong pelikula ang inayawan niya. Ito ay ang Jesusa na napunta kay Sylvia Sanchez dahil may time conflict daw sa Onanay. Kasama rin ang horror na hawig sa Eeere nina Charo Santos at Bea Alonzo at ang isa pang pelikulang dalawang araw lang ang  shooting.

Edu, may request kay Jessy

NAHIYA pala si Edu Manzano na obligahing ikampanya sila nina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Gusto sana niyang ikampanya siya ng kanyang magiging daughter-in-law pero ayaw niyang sa kanya manggaling.

Suportado naman ni Luis ang kandidatura ng ama at naiintindihan niya  kung ibang politiko ang ikampanya ni Jessy dahil ito ang pagkakataon para kumita ng malaki ang mga artista sa pamamagitan ng pagso-show sa kampanya ng iba’t ibang politiko. (ALEX DATU)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …