NANGUNA sa bilangan si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa partial unofficial result habang pangalawa ang reeleksiyonistang si Joseph Ejercito Estrada sa pagka-alkalde ng lungsod ng Maynila.
Ganoon din ang resulta sa inisyal na resulta ng bilangan mula sa City Board of Canvassers na ginaganap sa San Andres Sports Complex, nangunguna si Domagaso sa karera para sa pinakamataas na posisyon ng lungsod.
Sa huling talang ipinakita bandang 9:07 pm, nakakuha si Isko ng 328,031 boto, samantala, 191,993 boto ang nakuha ni Estrada.
Nakakuha naman si Mayor Alfredo Lim ng 126,644 boto at nasa ikatlong puwesto.
Sa pagka-bise alkalde, nanguna rin ang kaalyado ni Domagoso na si Honey Lacuna na nakakuha ng botong 358,849.
HATAW News Team