SA DAMI ng tumatakbong party-list ay muling idiniin ng aktor na si Coco Martin na iisa lamang ang kanyang sinusuportahan at ito na nga ang Ang Probinsyano Partylist.
Ang popular na aktor ay nanawagan sa kanyang social media accounts para ipaalala sa kanyang mga tagahanga na ang number #54 ay numero ng party-list na kanyang ini-endoso.
All out ang pangangampanya ng aktor kasama ang kanyang leading lady na si Yassi Pressman na siya namang Youth Arm representative ng Ang Probinsyano Partylist.
Mula Abra at Ilocos, Bikol at Zamboanga ay sadyang mainit ang pagtanggap sa kanila.
Malakas rin ang suportang nakuha nito sa Visayas nang bumisita si Yassi sa Samar at si Coco sa Bohol. Nagsama ang dalawa sa Cebu sa huling araw ng kanilang pangangampanya at pinakiusapan ang mga tagahanga na tandaan lamang ang #54 sa pagboto ng party-list.