Friday , April 4 2025

3 construction workers nakoryente 1 patay

PATAY ang isang construction worker habang nakaratay sa paga­mutan ang dalawang kasa­mahan nang makoryente sa ginagawa nilang paaralan sa Navotas City.

Dead on arrival sa Navotas City Hospital ang biktimang kinilalang si Orlando Gediom, 30 anyos, ng Brgy. San Juan Aluminos.

Patuloy namang ginagamot sa ospital si Rey Juan, 33 anyos, ng Brgy. Baliok, San Clemente Tarlac, at Jordan Pacheco, 22 anyos, ng Brgy. Apad Humalig, Quezon Province, kapwa mga empleyado ng Micro Pile Construction Company.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong 10:00 am nang maganap ang insidente sa loob ng Navotas Elemen­tary School na matatagpuan sa Los Martirez St., kanto ng M. Naval St., Brgy. San Jose, Navotas City.

Nabatid na kasalukuyang gumagawa ang mga biktima nang dumikit sa high tension wire ng linya ng Meralco ang brim na nakapalibot sa metal.

Mabilis na isinugod ng kanilang mga katrabaho ang mga biktima sa nasabing paga­mutan pero hindi na umabot nang buhay si Gedion.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *