Tuesday , May 13 2025
tubig water

Water allocation sa Pampanga at Bulacan babawasan ng NWRB

IPATITIGIL simula 16 Mayo ang alokasyon ng irrigation water sa Pam­panga at Bulacan mula sa Angat Dam dahil sa kritikal na pagbaba ng antas ng tubig na naipon sa nasabing dam simula noong nakaraang linggo, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).

Sisimulan ng NWRB ang pagbabawas ng alokasyon sa irigasyon sa nasabing mga lalawigan mula sa 3,450 milyong litro kada araw sa 2,590 milyong litro para sa unang dalawang lingo ng buwan ng Mayo.

Gayonman, sa kabila ng pagbabawas, sinabi ni NWRB executive director Sevillo David, hindi lub-hang makaaapekto sa nabanggit na mga lala-wigan dahil malapit ito sa pagwawakas ng panahon ng pag-ani.

“Sa tingin natin hindi makaaapekto sa mga palayan diyan kasi nga po halos patapos na ang pagtatanim diyan at malapit na po mag-ani ang mga kababayan natin sa Bulacan at Pampanga kaya sa tingin natin hindi na ganoon kalaki ang pangangailangan nila sa tubig sa panahon na ito,” wika ni David. Napag­alaman ipagpapa­tuloy ng ahensiya ang pagbaban-tay sa antas ng tubig sa Angat Dam.

About hataw tabloid

Check Also

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

NANAWAGAN ang mga residente sa Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggamit sa isang …

Arrest Posas Handcuff

Trike driver huli sa pang-aabuso

KULONG ang isang tricycle driver na nasentensiyahan ng kasong child abuse matapos malambat ng Navotas …

QCPD Quezon City

Nagpasabog sa QC spa arestado

NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa apat na suspek na sangkot …

Atty Lorna Kapunan

Katulad ng pagpili ng yaya ng anak
BUMOTO NANG TAMA – KAPUNAN

IBOTO ang tamang lider ng bayan, hindi ang mga kandidato ni VP Sara Duterte na …

Amenah Pangandaman BBM Bongbong Marcos

Sa utos ni PBBM
DBM SEC. PANGANDAMAN APRUB SA MAS MATAAS NA HONORARIA PARA SA MGA GURO, POLL OFFICERS

MASAYANG ibinalita ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman, batay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *