Thursday , May 15 2025

Suporta kay Coco Martin, APPL umapaw… Ang Probinsyano partylist ‘panalo’ sa Bohol, Cebu

DAHIL sa sobrang gigil sa kanilang iniidolong action superstar na si Coco Martin ay hindi na napigilan ang mga tao nang dumugin habang nasa isang rally sa lalawigan ng Bohol upang ikampanya ang #54 Ang Probinsyano Partylist.

Nagkaroon ng maliit na galos ang kanang pisngi ni Coco matapos akyatin at pilit siyang hawakan ng mga naghihi­yawang fans habang sumasayaw at kumakan­ta sa entablado sa Dauis Gymanasium sa Bohol.

Bagama’t may mga nakatalaga namang security ay hindi na nila nakayanan ang daluyong ng taong sumugod upang mahawakan ang kanilang idolo na siyang pangu­nanahing nagtataguyod sa #54Ang Probinsyano Partylist.

Ngunit imbes magalit dahil sa pangyayari ay hindi inalintana ni Coco at ipinagpatuloy ang kan­yang performance upang matiyak na masaya ang libo-libo niyang fans at masigurado ang kanilang boto para sa #54 Ang Probinsyano Partylist.

Mula Dauis ay nagtu­ngo si Coco kasama ang mga kinatawan ng #54 Ang Probinsyano Party­list sa Bohol Wisdom School Gymnasium sa Tagbilaran City para sa kasunod na malaking rally na inorganisa ng nangungunang kandidato sa pagka-gobernador na si Bohol Rep. Arthur Yap at Bohol Gov. Edgar Chatto na tumatakbo naman bilang kongre­sista.

Punong-puno rin ng tao at mainit ang pag­tang­gap kay Coco at sa #54 Ang Probinsiyano sa isinagawang rally sa Maribujoc Cultural Center at sa kalapit na Balilihan Gymnasium.

Mula sa isla ng Bohol ay lumipad si Coco at mga kinatawan ng #54 Ang Probinsyano sa Camotes Island at nagulat ang grupo sa dami ng taong dumagsa sa bayan ng San Fracisco, Cebu upang masilayan ang grupo.

Sa dami ng taong dumalo sa rally ay nag­mistulang dagat ng tao ang malawak na Agora field sa naturang bayan dahil halos lahat na yata ng mga residente sa isla ay nagtungo roon upang masilayan si Coco at ang #54 Ang Probinsyano partylist.

Naging mala-tele­serye naman ang kinala­basan ng pagtatagpo ni Coco at ng co-star niyang si Yassi Pressman sa siyudad ng Danao para sa isa pang dambuhalang rally.

Dumadagundong ang tili at hiyawan ng mga tao habang nagdu-duet ang dalawang sikat na endorser ng #54 Ang Probinsyano Partylist.

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *