Saturday , November 16 2024
NAPAIYAK sa tuwa ang dalawang senior citizen nang hindi nila akalaing pasyalan sila ng nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo Lim sa kanilang lugar sa Pritil Market, Tondo, Maynila. (BONG SON)

Pribadong kontrata ng public markets kakanselahin ni Lim

KAKANSELAHIN ng nagba­balik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim ang lahat ng kontratang nagsapribado sa mga pampublikong palengke ng lungsod upang mapro­tektahan sa mataas na baya­rin ang stall owners, vendors at mga residenteng namimili ng kanilang kaila­ngan sa araw-araw.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Lim na kanyang ibababa ang singil ng mga bayarin sa stall owners at vendors nang sa ganoon ay hindi nila kailangan itaas ang presyo ng kanilang mga panin­da.

Binanggit ito ni Lim sa kanyang pag-iikot kahapon nang umaga sa Pritil Market sa Tondo kasama ang kanyang anak na si Christy Lim na tumatakbong kandi­dato sa unang distrito ng lungsod.

Personal na pinaking­gan ni Lim ang mga hinaing ng mga manininda.

Ayon kay Lim, sa oras na mahalal siya ay pupulu­ngin niya ang mga vendor at stall holders upang per­so­nal na alamin ang kanilang mga pangangailangan upang pagbuhitin ang sis­tema sa mga palengke, kasabay ng pahayag na maglulunsad siya ng mga proyekto upang gawing mas moderno ang mga pamili­hang bayan sa buong Maynila.

Ani Lim, opisyal na kan­didato para alkalde ng Maynila ng ruling party PDP-Laban na pinamumunuan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pag-aari at pagpapatakbo ng mga pamilihang bayan ay dapat na pamahalaang-lungsod ang gumagawa upang mati­yak na protektado ang ma­ma­mayan sa hindi tamang pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

“Siyempre kapag private company ang may-ari ng palengke, mas mata­as ang singil na bayad sa stalls ng mga manininda at ‘yung mga nagtitinda naman, ipapasa sa mga mamimili ‘yung pambayad nila sa puwesto,” ani Lim, sabay bigay-diin na ang tanging paraan para matiyak na mababa ang bayarin ng  vendors at stall owners at ang presyo ng mga bilihin ay kapag City Hall ang namamahala sa mga public market.

Ang nangyayari, aniya, ay napipilitang sa kalsada magtinda ‘yung mga vendor na ‘di kayang magbayad ng mataas na singil sa puwes­to kaya nagkaka­buhol-buhol ang trapiko.

Matatandaan na noong 2016, ang Manila City Council ay nagpasa ng City Ordinance 8346 o Manila Joint Venture Ordinance, na ang 17 public markets ay binuksan para sa ‘joint ventures’ kasama ang pribadong sector.

Sa ilalim niyan ay ipina­gawa ang mga public markets sa tulong ng pribadong kompanya.

Kakanselahin umano ni Lim ang mga nasabing kontrata dahil aniya, ilang mayayamang negosyante lang ang nakikinabang habang ang karamihan ng mamamayang taga-Maynila ang nagdurusa, lalo ang mga residente na sa palengke namimili dahil mas mahal ang paninda sa grocery stores.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *