Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JV sumuko na

MISTULANG sumuko na sa laban sa 13 May0 2019 midterm elections si reelectionist Senator JV Ejercito matapos niyang iasa sa milagro ang kandidatura sa pagka-senador.

Sa twitter post kaha­pon ni JV, isang maka­hulugang kataga ang kanyang binitiwan na nagdulot ng alinlangan sa kanyang mga taga­suporta.

“I would need a miracle to win a seat back,” bahagi ng post sa Twitter ni Ejercito.

Pinayuhan naman ng kapwa reelectionist na si Sonny Angara si Ejercito sa kanyang pinag­dara­aan.

Sabi ni Angara, isa si JV sa masisipag na kasa­mahan niya at nakikipag-ugnayan sa mga eksperto para makapagbuo ng isang matinong batas.

“Huwag kang mapa­god these next few days brother. Finish strong!” ani Angara.

Dahil sa binitiwang mga kataga ni JV ay ilang netizen ang nadesmaya at tinawag siyang uto-uto kaya hindi dapat maluk­lok muli sa Senado.

Ginawa ni Ejercito ang hugot bunsod ng patuloy niyang pangu­ngulelat sa mga survey sa senatoriable at ang pinakahuli, hindi siya inendoso ng maka­pang­yarihang religious group na Iglesia Ni Cristo (INC).

Matatandaang inila­bas ng INC ang talaan ng kanilang mga sinusu­portahan sa Senado pero etsa-puwera si Ejercito.

Kabilang sa mga sinuportahan ng INC ang mga kapwa reelectionist ni Ejercito sa Senado na sina Sen. Cynthia Villar, Sonny Angara, Nancy Binay at Grace Poe.

Kasama rin sa listahan ang Hugpong ng Pagbabago bets na sina Taguig City Rep. Pia Cayetano, ex-Sens. Jose “Jinggoy” Estrada at Ramon “Bong” Revilla, Jr., ex-SAP Christopher “Bong” Go, ex-Presiden­tial adviser on political affairs Francis Tolentino, ex- Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa at independent candidate na si dating Sen. Lito Lapid.

Bukod sa kawalan ng endorsement ng INC, pinaniniwalaang naka­pag­pahina sa kandi­datura ni JV ang away nila ng kapatid sa ama na si Jinggoy na lumalabas na mas maangas siya dahil sa mga patamang binibiti­wan sa kadugo.

Tinalikuran din ng amang si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang kandidatura ng anak na si JV na lantarang sumusuporta sa nagba­ba­lik sa Senado na isa pang anak na si Jinggoy.

Nagbigay din ng reaksyon si Senador Win Gatchalian patungkol sa epekto ng endoso ng INC sa kandidatura ng mga tumatakbo sa Senado.

Sabi ni Gatchalian, tinatayang nasa tatlo hanggang apat na milyon umano ang botong masu­sungkit ng isang kandi­datong inendoso ng INC kaya malaking bagay ito para masiguro ang panalo ng isang tumatakbong Senador.

Si Gatchalian ay binit­bit ng INC nang tumakbo sa Senado noong 2016 election kaya tumatag siya sa magic 12.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …