Wednesday , December 25 2024

Comelec mahigpit at estrikto pero napalusutan ng ‘official ballots’ na walang seal

MAHIGPIT at estrikto nga ba ang Comelec hinggil sa gaganaping midterm elections ngayong 13 Mayo 2019 o maskarado lang pero nasa loob ang mga kulo?

Hindi tuloy malaman ng madlang people kung talagang totoo kayong mga tao o front n’yo lamang at nakamaskara kayo para pagtakpan ang mga kabalastugang pinaplano sa nalalapit na elek­siyon.

Mantakin n’yong mapalusutan kayo ng mga kahon ng mga official ballot na gagamitin ngayong halalan na sira o walang seal?!

Hesusmaryosep naman kayo e napakaselang isyu niyan.

Sagrado ang mga balota at siguradong alam na alam ninyo iyan. Diyan nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa at diyan din sa kapirasong papel na iyan nararamdaman ang demokrasya.

Mantakin ninyo mga katoto, hindi gawang biro ang ipinapakitang kahigpitan ng Comelec partikular sa screening ng mga kandidato, ‘di talaga makalulusot kung may teknikalidad na hindi naaayon sa kanilang guidelines.

Ultimo ang inyong mga dugo, laman at lehitimong pinanggalingan lalo ang inyong nasyonalidad ay masinsing huhukayin at hihimayin ng konsumisyon ‘este komisyon pala.

Ano ba naman kayo, lumalabas na kayo ay mga hipokritong naka-poker face na kung titingnan ay sineseryoso ang trabaho pero sa totoo lang ay mas masarap pang umebak kaysa kayo ay kausapin at paniwalaan dahil para kayong mga sinungaling at may kasabihan na ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.

Kung ang mga tao o kandidato o maski na mga sindikato ay hindi ninyo kuno pinalulusot pero higit na mabigat kung bakit naka­lusot sa inyo ang mga official ballot na sira o wala nang seal.

Ano po ba ang ibig sabihin nito? Coincidence lang o talagang with intent and motive?

E paano kung nakalusot ang mga kahong ‘yan, malaki ang posibilidad na namaniobra na naman ang botohan ‘di po ba? Hindi rin ninyo maiaalis na pag-isipan kayo ng mamamayan kapag tapos na ang bilangan at may nanalo na. Mahuhusay kayong mga artista lalo na sa moro-moro.

Siguradong may magiging palusot na rin ang mga talunan na walang ibang sasabihin kundi nagkaroon ng dayaan at sila ay dinaya.

Mga katoto, ano kaya ang masasabi ng nasabing ahensiya hinggil sa mga kahon ng mga official ballot na sira at walang seal.

Sorry, excuse me o just leave it to us… malalim po at mahiwaga ang insidenteng ito at hindi basta-basta.

Naniniwala ba kayong walang kandidatong nagbibigay ng suhol o lagay sa Comelec at mas lalo rin yatang mahirap paniwalaan na hindi sila tumatanggap?!

Tell it to the marines! E kung sa mga ordinaryong tao at botante ay nagbibigay sila ng pera e sa mismong komisyon pa na parang nango­ngomisyon?

‘Di kaya nako­konsensiya ang mga kandidato na nagbibigay ng suhol para makala­mang at maka-pandaya lang?! Ganon din ang katanungan natin sa tatanggap ng kanilang suhol?!

Kawawa naman ang mga botante na ginawang mga tanga at tau-tauhan na matiyagang pumipila sa mga voting precinct, ‘di alintala ang init ng araw o sama ng panahon. Ginagawa lahat ng sakripisyo na ang tanging hangad ay maibilang ang kanilang boto at hindi masayang.

Kung sa bagay ay hindi na siguro kayo mara­ramdaman ng mga damuhong ‘yan na wala rin namanng ibang hinahangad kundi posisyon at kapangyarihan, likas na silang mga manhid at walang pakiramdam.

Nawa’y magkaroon tayo ng clean, honest, and peaceful election ngayong midterm elections. Sana’y mangyari ‘yan sa Lunes, 13 Mayo.

Hindi ba Comelec?

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *