Friday , May 9 2025

Roxas may binalasubas?

NABUNYAG sa memo­randum ng Department of Interior and Local Government (DILG) na baon sa utang si Liberal Party president Manuel “Mar” Roxas sa ilang campaign service pro­viders ngunit tumangging bayaran ang milyon-milyong pisong pagkaka­utang sa kanila sa ser­bisyong ipinagkaloob sa presidential elections noong 2016.    

Sa memorandum na may pamagat na “Manuel Araneta Roxas II—2016 Elections Undeclared Campaign Expenditures” nitong 31 Enero 2019, sinabi ng isang service provider na tumangging ipabanggit ang pangalan, matagal na nilang sinisingil si Roxas pero hindi na sila pina­pansin ng tumatakbo nga­yong senador sa ilalim ng Otso Diretso.

“Given the breadth of tasks rendered by the campaign service pro­viders to Mr. Roxas and the Liberal Party, their charges amounted to several millions of pesos, an amount which Mar Roxas, being the scion of one of wealthiest families in the Philippines, could easily afford and com­mitted to pay,” ayon sa service provider.

“After all the charges already included ex­penses for organizing and conducting the campaign rallies, the cost of manpower, and service fees. However in evident of bad faith, after losing in the 2016 National Elections to the current President, Mar Roxas, in breach of his undertaking to the service providers, failed to pay for the services rendered in his and the Liberal Party’s favor.”

Idinagdag ng service provider na ilang ulit nilang tinangkang singilin si Roxas pero hindi na sila binayaran sa serbisyong ibinigay nila sa buong LP.

“Despite several demands to settle his obligations, neither Mar Roxas nor the Liberal Party offered to com­pensate the service pro­viders for work rendered by the latter in good faith, and in accordance with their agreement with Mar Roxas,” dagdag ng service provider.

Kinuwestiyon din sa memorandum ang hini­hinalang malaking ginas­tos ng Araneta Center Inc. (ACI) sa kampanya ni Roxas na paglabag sa Seksiyon 36 ng Corporate Code na nagsasabing, “No corporation, domes­tic or foreign,  shall give donations in aid of any political party or can­didate for purposes of partisan political activity,” at nakasaad din ito sa Section 4, Rule 10 ng Comelec Resolution 1991 kaya malinaw na may mga paglabag sa batas si Roxas.

About hataw tabloid

Check Also

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *