Saturday , November 16 2024

Plunder inihain vs Alvarez

SINAMPAHAN ni Jefrey Cabigon si dating Speaker Pantaleon Alvarez ng 1st District ng Davao del Norte, ng kasong plunder mula sa mga ilegal na transaksiyon, kickbacks at kita na sinabi niyang personal na nasaksihan sa dalawang taong pagiging close-in security ng mambabatas.

Sa complaint-affidavit na natanggap ng Ombudsman-Mindanao nitong 6 Mayo 2019, sinabi ni Cabigon na siya ay nautusan at personal na nasaksihan ang pag­kakamal nang bilyong salapi ni Alvarez at ng chief of staff na si Edwin Ignacio Jubahib mula 2016 hanggang 2019.

Reklamong kriminal at administratibo ang inilatag ni Cabigon para sa plunder at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa kanyang sworn affidavit, kasama rito ang mga sumusunod: pagbili nang cash ng magagarang sasakyan na umaabot sa P26 milyon; 10 bullet proof pickups bilang komisyon ng mga kon­tratista; pagbili ng mga lupa sa Panabo na nagka­kahalaga ng P74 milyon; sa Samal na nagkaka­halaga ng P500 milyon; sa Tagum na nagkakahalaga ng P20 milyon; mga lupa sa Siargao na nagka­kahalaga ng P500 milyon; at iba pang mga lupain sa labas ng Davao del Norte.

Lumalabas na hindi kukulangin sa P10 bilyon ang kabuuang pondong nagamit sa pagbili ng iba pang lupa sa Palawan, Cebu, Bohol, Compostela Valley, Davao City, Abra, Benguet, Ilocos, atbp.

Pinaniniwalaan ni Cabigon na kita ang nasabing mga lupain sa ‘insertions’ sa General Appropriations Act (GAA) na isiningit umano ni Alvarez at ipinarada sa iba’t ibang distritong kanyang pinaboran.

Ayon kay Cabigon, doon kumukuha ng kickbacks sa pamama­raan ng mga lupa sa lugar.

Lumalabas umano na ang ‘insertions’ noong si Alvarez ay Speaker ay nationwide. Si Alvarez ay naging Speaker lamang nang dalawang taon ngunit napakaraming pondong naisinggit sa GAA.

Pinaniniwalaang isa sa ‘insertions’ na ginawa ni Alvarez ang pagtatayo ng Tagum flyover na walang program of works, hindi dumaan sa NEDA o sa Regional Develop­ment Council at bumu­laga na lamang sa DPWH.

Hinati-hati umano ni Alvarez ang ‘insertions’ sa GAA sa limang phases.

Nagsimula ito noong GAA 2017 na nagkaka­halaga ng P2.6 bilyon pero by phase umano ito isiningit sa budget at ang pondo ay ‘by tranches’ sa halagang P300 milyon bawat taon.

Ang buong halaga dapat ay P2.6 bilyon sa apat na taon pero ngayon ito ay lomobo nang P4 bil­yon para sa 1.6 kilometer lamang na haba sa itaas ng Davao-Agusan national highway.

Ang Tagum flyover ay sasalungat sa Minda­nao Railway Project (MRP) ng administra­syong Duterte.

Magsisimula ang MRP ngayong taon sa Tagum City sa Davao del Norte patungong Digos City sa Davao del Sur.

Ang proyektong rail­way ay maglalapit ng mahahalagang siyudad sa Mindanao kasama ang Davao, Zamboanga, Butu­an, Surigao, Caga­yan de Oro, Iligan, at General Santos.

Si Alvarez ay ‘napa­talsik’ bilang Speaker noong 2018 at napalitan ng kasalukuyang lider na si Gloria Macapagal-Arroyo. Maaalala na nagkagulo sa Kongreso nang makita ang ‘insertions’ na ginawa ni Alvarez sa iba’t ibang distrito sa bansa.

May inalisan rin si Alvarez na mga Kinata­wan ng pondo dahil kalaban niya sa politika. Matatandaan na na-realign ang tinaguriang “Alvarez insertions” na nagkakahalaga ng P70 bilyon.

Ito ay tuluyang na-veto ni Presidente Rodrigo Duterte. Si Alvarez ay tuma­takbo bilang kongre­sista sa unang distrito ng Davao del Norte samantala si Juba­hib ay tumatakbong gobernador sa lalawigan.

Ang security aide na si Cabigon ay pinatakbo ni Alvarez noong naka­raang barangay elections ngunit nabigo. Kasalu­kuyang nag-a-apply si Cabigon sa Witness Protection Program ng Department of Justice (DOJ).

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *