Saturday , November 16 2024

Katoliko, Muslim todo-suporta kay Bingbong (All-out support sa pagka-mayor)

HALOS hindi magkamayaw na naglabasan mula sa iba’t ibang distrito ng Quezon City ang mga Katolikong nag­nanais na ipakita ang kani­lang buong suporta para kay mayoralty candidate Vincent “Bingbong” Criso­logo mula sa kanyang paglili­bot sa kampanya.

Naglalabasan ang sup­porters ni Crisologo bitbit ang iba’t ibang banners at placards na sumisigaw na panahon na ng tunay na pagbabago at wakasan na ang pananatili sa poder ng mga Belmonte sa lungsod na kahit hatinggabi o abutin man ng madaling araw ay hindi nagpapatinag ang mga tao para umalis.

Sa paglilibot, hindi maitatangging napakalakas ng mga panawagan na maging mayor si Crisologo bunsod ng may malinaw na plataporma para sa taong bayan sa siyudad.

Ayon sa tinderang si Anita Legaspi ng Barangay Tatalon QC, walang naga­wang proyekto ang kasa­lukuyang bise alkalde para maiangat ang kanilang kabuhayan sa naturang barangay.

“Kahit kailan nga e hindi ko man lang nakita ‘yang si Joy sa lugar namin e, kaya hindi kami umaasa diyan. Ni hindi nga makababa rito para mangampanya e, sigu­ro kampante na, maraming pera e,” pahayag ni Legaspi na matagal nang nakatira sa lugar.

Hiling ng marami, waka­san na ang matagal nang nasa poder na mga Belmonte na anila’y walang ginawa kundi ang magpakasasa sa kapangyarihan.

Noon pa man umano ay napakarami na ang nagre­reklamo sa city hall dahil hindi man lamang maram­daman ang serbisyo ng mga magkakamag-anak na Belmonte partikular ang bise alkaldeng si Joy Bel­monte kung kaya’t nanini­wala ang karamihan sa QC na hindi karapat-dapat sa puwesto bilang susunod na alkalde.

“Mabuti pa ‘yang si Bingbong, kahit madaling araw na magugulat ka pumupunta talaga sa lamay, nakausap ko pa nga e, nandoon talaga ang mala­sakit niya sa tao, sinagot pa nga ang pagpapalibing sa pamangkin ko e, pero si Joy, wala!” mariing paglilitanya ng driver na si Ernesto ni Salvadora.

Marami rin ang nagsa­sa­bi na malaki ang kaku­langan ng mga programa sa social services sa nasabing lungsod at kawalan ng malasakit sa mamamayan ang kasalukuyang bise alkalde kung kaya’t mas pinipili at tinatangkilik ng mayoryang residente si Crisologo.

Kaalinsabay nito, nag­pa­hayag nang buong supor­ta maging ang Muslim com­munity sa District 5 sa pangunguna ng Coalition of Muslim Filipinos Movement para sa kandidatura ni Crisologo na kamakailan ay binisita ang Salam Muslim Compound Sa Culiat, QC.

Ayon kay Amronbusar Somulung, vice president ng naturang grupo, nagusto­han nang halos lahat ng mga kapatid na lider Muslim na nakabase sa Novaliches, QC ang mga plataporma ni Crisologo kung kaya’t nag­pakita ng “all out support” ang mga kababayang Mus­lim.

Samantala, kasaluku­yang inihahanda ang isang malaking miting de avance ni Crisologo sa Sabado na inaasahang muling darag­sain ng supporters mula sa iba’t ibang dako ng QC upang sa huling pagka­kataon ay muling mailatag sa mamamayan ang mga kapaki-pakinabang na mga programang direkta sa tao na inihanda ng Team Criso­logo para sa buong lung­sod.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *