Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Belmonte inendoso ng INC (Top pa rin sa survey)

PORMAL nang inendoso ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pagka-alkalde ng Quezon City si vice mayor Joy Belmonte kasabay ng pamamayagpag sa iba’t ibang survey.

Nagpahayag ng pasa­sa­lamat si Belmonte sa pamunuan ng INC sa pag-endoso sa kanyang kandidatura.

“I was informed on Monday that INC will support me and majority of the candidates in my slate. This is very, very good news for us, and of course, for Quezon City because we are committed to our promise of giving selfless, top-notch service that will benefit the city’s residents,” ani Belmonte.

“Kaya’t nagpa­pasa­lamat ako kay kapatid na

Eduardo V. Manalo at sa buong kapatiran ng Iglesia Ni Cristo sa buong-pusong suporta nila sa atin. Isa po itong mala­king karangalan sapagkat ang pangunahing templo at ang opisina ng INC ay nandito mismo sa Quezon City,” dagdag ni Belmonte.

Sinabi ni Belmonte, ang patuloy na tiwala ng mga taga-Lungsod Quezon at ang kanyang malinis na track record ang naging batayan ng INC upang siya ang iendoso para sa 13 Mayo.

Samantala, namama­yagpag si Belmonte sa isinagawang survey ng RP Mission and Development Foundation, Inc., noong 4-8 Mayo sa 8,000 res­pondents.

Nakakuha ng 65% si Belmonte habang 30% naman si Congressman Bingbong Crisologo at 3% si dating Congressman Chuck Mathay. Tumaas din nang 5% ang preference rating ni Belmonte.

Bukod kay Belmonte ipinapakita rin ng survey sina incumbent Makati City Mayor Abby Binay, 60%; Toby Tiangco, ng Navotas 74%; Imelda Calixto-Rubiano ng Pasay, 72%; Lino Cayeta­no ng Taguig City 62%; Robert Bobby Eusebio ng Pasig 61%.

Dagdag ni Belmonte, lubos ang kanilang pasa­salamat sa suporta ng iba’t ibang grupo na indikasyon na iisa lamang ang kanilang layuning paunlarin ang lungsod.

“I personally will not take this for granted. If elected, I will make sure that my platform for inclusive development is felt by all. We will improve and eradicate corruption in city services. We will implement the projects that directly benefit the poor and marginalized. Of course, we will also make sure tuloy-tuloy ang pag-unlad ng lung­sod alinsunod po sa slogan natin na ‘Kasama Ka Sa Pag-unlad’,” dag­dag ni Belmonte.

Giit ng bise alkalde, ang endoso ng INC sa kanya ay indikasyon na mas matimbang ang kanyang plataporma at hindi ang mga black propaganda sa kanyang kandidatura.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …