Wednesday , December 25 2024
HINDI magkamayaw ang mga vendor, mamimili at supporters ni dating Manila Mayor Alfredo Lim sa pag-abot sa kanya upang siya’y makamayan nang siya ay dumalaw sa Trabajo Market sa Sampaloc, at umikot sa lugar ng district 4 ng Maynila, kahapon. (BONG SON)

Super Health Centers ilulunsad ni Lim para sa mga Manileño

INIHAYAG kahapon ng nagbabalik na alkalde ng Maynila Afredo S. Lim ang plano niyag maglagay ng “Super Health Centers” sa iba’t ibang bahagi ng lungsod na ang mga ser­bisyo gaya ng mga libreng ibinibigay dati sa mga ospital na kanyang ipina­tayo ay maaari na rin makuha ng mga residente ng Maynila.

Binanggit ito ni Lim nang kanyang makada­upang-palad ang mga manininda at mamimili sa Trabajo Market sa Sam­paloc, Maynila, nang siya ay nangampanya kaha­pon.

Doon ay literal na ‘namula’ ang paligid nang manghingi ang mga vendor at mamimili ng give-away t-shirts ni Lim at agad nila itong isinuot bago sumunod kay Lim sa ginawa nitong pag-iikot sa nasabing pa­lengke upang bumati at makipagkamay.

Ayon kay Lim, ang nasabing “Super Health Centers” na balak niyang ipatayo ay bilang dagdag sa 59 barangay health centers na dati na niyang ipinatayo sa loob ng apat na terminong panunungkuan bilang alkalde.

Ang naturang new centers ay magsisilbi uma­nong ‘mini-hospitals’ na magkakaroon ng mga pasilidad gaya ng CT scan, x-ray machine at iba pang kagamitan upang pupuwe­de nang magsagawa ng minor operations.

Habang limang ospital ang ipinatayo ni Lim bilang dagdag sa noon ay nag-iisang lilbreng ospital, ang Ospital ng Maynila sa ikalimang distrito ng lung­sod, nakita umano niya na kailangan pang lalong ilapit sa mga tao ang libreng alagang medikal kung kaya’t bukod sa 59 barangay health centers at 12 lying-in centers o libreng paanakan na kanyang ipinatayo ay magkakaroon pa ng ‘Super Health Centers’ na mas maraming serbisyo.

Sa pamamagitan n ito, ang mga nangangailangan umano ng libreng medical attention ay ‘di na kakai­langanin pang gumastos ng pasahe dahil ang ilan sa mga serbisyong kailangan nila na maaari lang makuha sa city hospitals ay magiging available  na sa anumang “Super Health Center” na malapit sa kanilang tirahan.

Bilang karagdagan ay itutuloy umano ni Lim ang naumpisahang medical caravan o mobile clinic na dati ay umiikot sa “depressed areas” o mahihirap na komunidad para mag-alok ng iba’t ibang uri ng libreng ser­bisyo medikal.

Matatandan sa kan­yang unang pag-upo bilang mayor noong 1992 ay inilunsad ni Lim ang ‘womb to tomb program’ na nagbi­bigay ng mga libreng serbisyong pangka­lusu­gan mula sa oras na ang isang residente ay ipinag­bu­buntis pa lamang hang­gang sa oras na siya ay pumanaw.

Kaugnay nito ay itina­yo rin ni Lim ang tig-isang libreng ospital sa limang distrito na wala nito – Gat Andres Bonifacio Memo­rial Medical Center sa first district; Ospital ng Tondo, second district; Mother and Child General Hospital, third district;  Ospital ng  Sampaloc, fourth district at Sta. Ana Hospital, sixth district.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *