Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Comelec chair, inireklamo sa multi-milyong pisong kickback

PORMAL na ipinagha­rap ng reklamo si Com­mission on Elections (Comelec) chair Toto Abas sa Malacañang Presidential Complaint Center ng pambubulsa ng daan-daang milyong piso kapalit ng pagpabor sa tatlong malalaking kom­panya na magsisil­bing logistic provider sa darating na midterm poll sa 13 May 2019.

Sa apat na pahinang reklamo na natanggap ng Office of the President noong 30 Abril 2019, isang concerned citizen na may initials na RVG ang nagsiwalat ng umano’y sindikato sa loob ng Comelec at tahasang tinukoy bilang lider ang tagapangulo.

Sa reklamo, sinabing naibulsa umano ni Abas at ng mga director, election supervisors at election officers ang daan-daang milyong piso nang paboran ang F2 Logistics, Airfreight 2100 Inc., at LBC Express Inc., na maku­ha ang P1,335,901,373 upang magsilbing logistic pro­vider sa darating na eleksiyon sa 13 Mayo.

Ang tatlong nasabing kompanya ay nagwaging makuha ang kontrata sa halagang P718,336,029.

“Kung iisipin ay nakatipid ang gobyerno nang halos P617,565,344, pero ang katotohanan, milyon-milyong salapi ang kinita para mai­panalo at mai-award ang nasabing kontrata sa F2 Logistcs, Airfreight 2100 at LBC Express,” saad sa reklamo.

Nakasaad din sa reklamo na batid ng lahat ng commissioners at directors na personal choice ni Abas ang mga nanalong logistic pro­viders.

Gayonman, nagsa­walang kibo umano dahil nakinabang din habang ang iba naman ay natakot.

Sinabi rin sa reklamo, bilang bahagi ng naku­hang kontrata na magsi­silbing logistic provider ang mga kompanyang F2 Logistics, Airfreight 2100 at LBC Express upang maghatid ng voting counting machines (VCM) mula sa national hub patungong polling centers.

At pagkatapos ng eleksiyon, ang naturang VCMs ay dapat na kolek­tahin, ipunin at ihatid ng logistic providers mula polling centers pabalik sa regional hub o municipal hub.

Pero ang totoo uma­nong nangyayari, ang mga kawawang guro, pulis at mga sundalo ang inuutusan ng election officers imbes director, supervisors at officers na magdala, magbuhat at magbalik ng VCMs mula polling centers pabalik sa municipal hub.

Dapat aniyang mala­man ng taong bayan na ang logistic provider ang dapat na gumagawa nito dahil bahagi ito ng kontrata na binayaran sa kanila mula sa taxpayers money.

Isinasaad sa reklamo na batid din ng Comelec na hindi kakayanin ng logistic providers na sundin ang nasa kontrata kung kaya’t iniutos ni Abas sa kaniyang direc­tors, supervisors at election officers na gamitin ang mga guro, pulis, at sundalo na taga­dala ng VCMs papuntang polling centers imbes na trabaho ng logitc pro­viders.

Mismong si Abas, umano ang tagapag­tanggol ng logistic pro­viders sa kanilang kapal­pakan at ipinipilit ang ganitong uri ng maling sistema.

Pinaalalahanan sa nasabing reklamo ang mga provincial at municipal treasurers na hindi nila obligasyon at bawal maglabas ng pera ng gobyerno para gamitin ng election officers sa paghahakot at pagdadala ng VCMs papuntang polling centers.

Bawal din umanong ipagamit ng provincial at municipal local govern­ment unit, PNP at AFP ang kanilang mga sasak­yan para pagsakyan at paglagyan ng mga VCM sa paghahatid sa polling centers.

Ang ganitong Gawa­in, ayon pa sa reklamo ay bawal at maaari silang makasuhan dahil labag sa chain of custody ng VCMs gayong ang logistic provider ang dapat mag­dala sa polling centers.

Alinsunod ito sa nilagdaang kontrata sa pagitan ng Comelec at ng kompanya ng F2 Logis­ticss, Airfreight 2100 Inc., at LBC Express Inc.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …