Thursday , December 26 2024

‘Ekonomistang’ senatoriable ‘no votes’ sa CIQ

PAYBACK time raw para sa mga empleyado ng Customs, Immigration at Quarantine (CIQ) ang darating na eleksiyon!

Pagkakataon nga naman nilang para bumawi sa isang ‘trapo’ na kumakandidato ulit ngayon para senador!

Sino nga naman ang makalilimot matapos niyang ipatupad ang isang “memorandum” na nagpapawalang bisa sa pagbabayad ng airline and shipping fees na pinagkukuhaan ng overtime pay ng mga taga-CIQ nang siya pa ang Secretary ng Department of Transportation and Communications (DOTC)?

Nilagdaan niya ang nasabing memorandum na may petsang 01 Agosto 2012.

Kakutsaba sina dating SOJ Leila ‘De Saba’ este De Lima pati sina former Department of Finance Secretary Cesar Putrisima ‘este Purisima, Florencio Abad at Proseso Alcala ay nagawang suwayin ang batas kapalit ng isang pipitsuging “memorandum” na pinakinabangan nila?!

Kapakanan ng publiko laban sa mga priba­dong kompanya ng mga airlines ang nangyari.

So saan pa kayo?!

Kung pagsasama-samahin nasa daang libo ang nakatayang boto na mawawala kung hindi iboboto ang kandidatong senador na nagpapa­kilalang “ekonomista?!”

Kasama pa riyan ang mga boto ng pamilya, kaibigan at kakilala!

Kung wala kayong pagmamahal sa sarili lalo sa pamilya isama n’yo sa balota sa darating na Mayo!

Paalala ko lang baka nakalimutan n’yo ang pangalan ng signatory sa nasabing memo­randum…

Mar posas ‘este Roxas, ang ekonomista, pala ang pangalan.

Huwag ninyong kalimutan maraming kawani ang nahinto ang mga anak sa pag-aaral, nailitan ng bahay at kotse at higit sa lahat maraming nag-resign dahil malaking kawalan sa kanila ang “overtime pay.” 

Kayo na po ang bahala mga suki, lalo sa mga naapektohang empleyado sa maraming departa­mento ng gobyerno.

Iboto ninyo…kung gusto ninyong maulit ang mga bangungot ninyo. 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *