Saturday , November 16 2024

Coco, Yassi todo hataw para sa AP-PL, “Probinsyano” dinumog sa Ormoc

NON-STOP at lalo pang itinotodo ng aktor na si Coco Martin at leading lady na si Yassi Pressman ang paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ikampanya ang #54 Ang Probinsyano Party-list.

Noong Huwebes ay pinangunahan ni Coco ang grupo ng #54 Ang Probinsyano Party-list sa ginawang panga­ngam­panya sa siyudad ng Ormoc.

Gaya ng inaasahan ay dinumog ng tao ang aktor na mainit ding tinang­gap ng kapwa artista at nga­yo’y Ormoc City Mayor Richard Gomez at asa­wang si Rep. Lucy Tor­res sa  isinagawang rally sa Ormoc City Superdome.

Wala pang isang ling­go ang nakakalipas noong nag-ikot din si Coco sa lalawigan ng Albay at Camarines Sur upang hingin ang suporta ng mga Bicolano para sa #54 Ang Probinsyano Party-list.

Mula Ormoc ay naka­takda rin maglibot sa 9 Mayo si Coco sa lalawigan ng Bohol at sa Camotes Island upang tiyakin ang panalo ng #54 Ang Probinsyano Party-list.

Kasabay nito ay lilibot din si Yassi sa lalawigan ng Cebu na siya namang bumisita sa lalawigan ng Samar noong nakaraang Martes.

Inaasahan din na pupunta si Yassi sa lala­wigan ng Ilocos Norte para paunlakan ang mga Ilokano supporters ng #54 Ang Probinsyano Party-list.

Bukod kina Coco at Yassi ay aktibong tumu­tulong sa kampanya ng #54 Ang Probinsyano Party-list ang iba pang showbiz personalities tulad ng aktres na si Ryza Cenon na isa sa mga pangunahing karakter sa teleseryeng The General’s Daughter at ang Viva artist na si Ella Cruz.

Habang nasa Ormoc si Coco noong Huwebes ay kasabay namang nag-iikot si Ryza sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Misamis Oriental.

Naglibot si Ryza sa pamamagitan ng motor­cade kasama si reelec­tionist Governor Yevgeny Vicente “Bambi” Emano sa mga bayan ng Opol, Lugait, El Salvador, Alu­bijid, Laguindingan, Gita­gum, Libertad at Initao.

Inikot din nina Ryza ang mga bayan ng  Naa­wan at Mantincao bago bumalik sa bayan ng Libertad para sa isang Grand Rally.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *