HINIMOK ng Murang Kuryente Partylist (MKP) ang kongreso na patawan ng parusa ang power companies na nagmamalabis upang maisulong ang reporma sa sektor ng koryente na papabor sa consumers.
Sa isang liham sa Joint Congressional Power Commission (JCPC), hiniling ng MKP nominee at tagapagtaguyod ng enerhiya na si Gerry Arances ang mga mambabatas na suriin ang batas ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at ipatupad ang mga kinakailangang amendments para sa pangmatagalang solusyon sa problema sa koryente.
“MKP is for fundamental reform of the power sector, and we know that the JCPC is also aiming for the same thing and We believe EPIRA should be amended in a way that would prioritize consumers and that we, including the government, should no longer be at the mercy of private companies,” saad ni Arances.
Nabatid na isang delagasyon ng MKP na pinamunuan ng nominee na si Glenn Ymata ay nagkilos protesta sa gate ng Senado habang ang mga kumakatawan sa mga ahensiya ng gobyerno, generation companies at distribution utilities ay pumapasok para dumalo sa pagdinig ng JCPC’s na may kaugnayan sa power outages at nalalapit na halalan.
Ang naturang pagdinig ay pinangunahan nila Senator Sherwin T. Gatchalian, na Senate Committee on Energy Chairman at dinaluhan nina Senator Nancy Binay, Senator Richard Gordon, Senator Loren Legarda, Senator Joseph Victor Ejercito, Senator Francis Escudero, at Senator Bam Aquino.
“Kailangan ipaglaban ang karapatan ng lahat ng consumer na magkaroon ng murang koryente. Hindi mangyayari ito hangga’t hindi maglalabas ng pangil ang pamahalaan at parusahan ang mga abusadong power companies” pahayag ni Ymata.