Saturday , November 16 2024
electricity meralco

Parusa sa mga power company, inihirit ng Murang Koryente 

HINIMOK ng Murang Kuryente Partylist (MKP) ang Kongreso nitong Huwebes na parusahan ang mga abusadong power company at ipatupad ang mahahalagang reporma sa power sector na magtutulak sa pagbalanse ng kapangyarihang papabor sa mga konsumer kaysa mga power company.

Sa isang liham sa Joint Congressional Power Commission (JCPC), hiniling ni MKP nominee at matagal nang energy advocate na si Gerry Arances sa mga mambabatas na rebisahin ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) law at ipatupad ang mga nararapat na amyenda bilang bahagi ng pangmatagalang solusyon sa problema ng bansa sa koryente.

“MKP is for fundamental reform of the power sector, and we know that the JCPC is also aiming for the same thing. We believe EPIRA should be amended in a way that would prioritize consumers and that we, including the government, should no longer be at the mercy of private companies,” pahayag ni Arances.

Nagpiket din ang delegasyon ng MKP sa labas ng Senado habang papasok ang mga kinatawan ng ahensiya ng pamahalaan, generation companies at distribution utilities upang dumalo sa public hearing ng JCPC hinggil sa pagkawala ng koryente at paghahanda ng mga power sector sa nalalapit na halalan.

Pangungunahan ni Senator Sherwin T. Gatchalian, na nanunungkulan din bilang Senate Committee on Energy Chairman, ang pagdinig at dadaluhan ito nina Senador Nancy Binay, Richard Gordon, Loren Legarda, Joseph Victor Ejercito, Francis Escudero at  Bam Aquino.

Pinamunuan ang MKP delegation ni MKP nominee Glenn Ymata.

“Kailangan ipaglaban ang karapatan ng lahat ng consumer na magkaroon ng murang koryente. Hindi mangyayari ito hangga’t hindi maglalabas ng pangil ang pamahalaan at parusahan ang mga abusadong power companies,” sabi ni Ymata.

Hinihimok na rin ngayon ng MKP ang JCPC na rebisahin ang existing power supply agreements (PSA) sa pagitan ng generation companies na nagpuwersa na mawalan ng koryente kamakailan ang mga planta at ang distribution utilities gaya ng Manila Electric Company (Meralco).

”Dapat din ma-audit na ang ERC (Energy Regulatory Commission) para masiguro na ang pinakamurang PSA ang isinusulong gaya ng hinihingi ng batas,” ani Ymata.

Lalo na ngayong nangangamba ang grupo na mararamdaman ang power crisis sa iba’t ibang bahagi ng Luzon bilang desperadong pagta­tangka ng mga power generator at distributor gaya ng Meralco na ituloy pa ang mga PSA.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *