Saturday , November 16 2024

Absolute pardon ni Crisologo peke — ex-NBI expert

PEKE ang lagda ni Presi­dent Ferdinand Marcos sa hawak na dokumentong absolute pardon ni Quezon City Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo.”

Ito ang dokumentong ginamit sa kanyang pag-upo sa puwesto sa Kong­re­so at sa iba pa niyang dating mga posisyon sa gobyerno.

Ayon kay Atty. Desi­derio Pagui, isa sa mga kinikilalang handwriting at document expert ng Supreme Court,  at da­ting chief document examiner ng National Bureau of Investigation (NBI) may mga pagkaka­iba sa lagda sa kopya ni Crisologo ng umano’y Absolute Pardon niya at sa lagda ni dating pangu­long Marcos sa ibang opisyal na dokumento.

Sa press conference sa QC, sinabi ni Atty. Socorro Nepomuceno, abogado ng petitioner, conditional pardon at hindi absolute pardon ang naibigay kay Crisologo kaya’t wala siyang kara­patan na humawak ng anomang posisyon sa gobyerno.

Una nang naghain ng disqualification case sa Comelec si Sophia Zamo­ra ng District 1, QC  sa pama­magitan ng aboga­dong si Atty. Nepo­muceno dahil sa nasabing usapin.

“After ma-approve ang Freedom of Infor­mation (FOI), nagpunta na kami sa Malacañang noong 2018 to ask for a copy ng Absolute Pardon, napagbigyan kami ng copy and we found out na conditional pardon la­mang ang naibigay ng Palasyo at walang abso­loute pardon kaya walang karapatan si Crisologo na maupo sa kahit anong posisyon sa gobyerno,” pahayag ni Nepomuceno.

Aniya, ang nakuhang conditional pardon mula sa Malacañang may petsang 14 Enero 1981 ay pareho ng kopya na nakuha nila sa Board of Pardons and Parole ka­ya’t hindi nila alam kung saan nakuha ang doku­mentong absolute pardon ni Crisologo.

“There is no such thing na may naibigay sa isang nabigyan ng parole na dalawa…isa ay con­ditional pardon at isa ay absolute pardon. Kung walang lehitimong Abso­lute Pardon si Crisologo, hindi totoong tinanggal ang kanyang senten­siyang double life impri­sonment para sa kaso ng arson at homicide. Dahil dito, ipinagbabawal pa rin siya dapat na tumak­bo sa anomang posisyon at kailangan idiskalipika sa pagtakbo bilang Mayor sa Quezon City,” ani  Nepomuceno.

Kaugnay nito, ipi­naliwanag ni Atty. Desi­derio Pagui, ex-chief document examiner ng NBI, peke ang pirma ni Marcos sa kopya ng Abso­lute Pardon na ipinakikita ni Crisologo.

“Sa aking pagsusuri, ‘yung conditional pardon document na galing sa Malacañang na may pirma ni late President Marcos ay may 6 points na pagkakaiba tulad ng large writing at malalaki ang stroke, stable ang mga sulat pakaliwa at pakanan, at ito talaga ang pirma ni President Marcos pero ‘yung sa absolute pardon ay may smaller size at hindi firm ang pirma na malayong- ma­la­yo sa original kaya masasabi ko na ibang tao ang pumirma ng absolute pardon ni Crisologo,” pahayag ni Paqui.

Sinabi ni Atty. Paqui, kahit may sakit si Pre­si­dent Marcos noong pumir­ma siya sa absolute pardon ay hindi ito maka­pagpapatibay na pirma nga iyon ni Mr. Marcos.

Sinabi ng petitioner na si Zamora na nag-file siya ng disqualification case dahil sa mga pambu-bully na nararanasan niya sa mambabatas at sa mga tagasuporta nito at ipinagyayabang ang absoloute pardon ni Crisologo sa social media.

Sinabi ni Atty. Nepo­muceno, kung ilabas man ang desisyon ng Comelec sa disqualification case na naisampa nila laban kay Crisologo makaraan ang May 13 election, tuloy naman ang kaso at hindi siya  makapupuwesto dahil sa pamemeke ni­yang ginawa.

Aniya, falsification of public documents o forgery ang maaring maging kaso ni Crisologo bukod sa administrative case na kailangan niyang isoli sa gobyerno ang lahat ng kanyang sahod mula nang nagsilbi siya sa gobyerno bilang konsehal hanggang maging congress­man.

Noong 1970, ikinu­long si Crisologo sa sen­tensiyang double life imprisonment bunsod ng isang kaso ng arson at isang kaso ng arson with homicide dahil sa kan­yang pagsunog sa dala­wang barangay sa Ban­tay, Ilocos Sur.

Pero noong 1981, nakatanggap siya ng Conditional Pardon mula kay dating Pangulong Marcos at noong 24 Enero 1986 ay sinasabing nabig­yan siya ng Absolute Pardon kaya tumakbo sa gobyerno.

“Nothing in the Con­ditional Pardon granted to Respondent removes his incompetency from running for and holding public office. And with­out such an express resto­ration, respondent must be deemed disqualified from being a candidate or holding public office,” nakasaad sa petisyon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *