TANGING si reelectionist Sen. Bam Aquino ang oposisyon na nakapasok sa Magic 12 ng bagong Pulse Asia survey.
Sa survey na ginawa ng Pulse Asia mula 1-14 Abril, si Sen. Bam ay nasa ika-10 hanggang ika-14 na puwesto.
Bahagyang gumanda ang posisyon ni Sen. Bam, na nasa pang-11 hanggang pang-16 na puwesto sa survey ng Pulse Asia noong nakaraang buwan.
Pasok din si Sen. Bam sa winners’ circle ng tatlong iba pang major pre-election polls, wala nang dalawang linggo bago ang halalan sa 13 Mayo.
Sa survey ng Publicus Asia na ginawa mula 21-22 Abril 2019 na mayroong 2,000 registered voters, si Sen. Bam ay tabla sa pang-lima hanggang 11 puwesto.
Pasok din si Sen. Bam sa Magic 12 ng pre-election surveys na ginawa ng Laylo at TNS. Si Sen. Bam ay pang-siyam hanggang pang-11 puwesto sa Laylo at pang-pito hanggang pang-13 sa survey ng TNS.
Sa isang pahayag, nagpasalamat si Sen. Bam sa taong bayan, lalo sa volunteers, sa kanilang tiwala na nagsisilbi niyang inspirasyon sa kampanya.
Kapag nabigyan ng ikalawang termino, nangako si Sen. Bam na isusulong ang pagsasabatas ng kanyang Trabaho Center Bill.
Sa panukalang ito, lalagyan ng Trabaho Centers o job placement offices ang lahat ng pampublikong high schools at state universities and colleges (SUCs) para makatulong sa pagresolba sa jobs mismatch at mataas na unemployment rate sa bansa.