Saturday , November 16 2024

Para sa mga manggagawa: Koko Pimentel tiyak sa ‘ending’ ng endo

BUKOD sa layuning magtatag ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW), pangunahing adhikain ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na mawakasan ang “ENDO” o end of contract na ginagamit ng mga employer para hindi magkaroon ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa.

“Sa pagdiriwang natin ng Araw ng Mang­gagawa, buong puso kong ipinararating ang pagsuporta sa hangarin ng milyon-milyong Filipi­no na nagsisikap

araw-araw upang maiangat ang pamumu­hay ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng kani­lang ibayong paghaha­napbuhay, dedikasyon at sakripisyo sa ating bayan o sa ibayong bansa,” ayon sa senador mula sa Mindanao.

“Ang paglikha ng hiwalay at natatanging Department for Overseas Filipino Workers ay nana­natiling isa sa mga lehis­latibong prayoridad ko, kapantay sa kahalagahan ng pagnanais kong matu­gunan ang nakasanayang ENDO,” diin ni Pimentel.

“Ang proteksiyon ng mga manggagawang Fili­pi­no laban sa hindi maka­tarungang kompetisyon ng mga dayuhan ay kabilang din sa talaan ng aking mga prayoridad bilang isang mambabatas at kinatawan ng taong bayan”

Nangako rin si Pimen­tel na kikilos upang maipatupad ang sapat na suweldo para sa disen­teng pamumuhay ng lahat ng manggagawa sa ating bansa.

“Kabilang tayo sa pinag­sama-samang mga balikat ng mga uring manggagawa. Ang pina­kamaliit kong magagawa upang maibalik at ma­kilala ang inyong hindi makasariling pagkilos ay matulungan kayo, bilang inyong tagapaglingkod publiko, sa pakiki­pagla­ban para sa isang maayos at sapat na suweldo at ang mapaunlad pa ang mga batas upang mapro­tektahan ang kapakanan ng manggagawang Filipi­no,” dagdag ni Pimentel.

Saka winakasan ang talumpati ng: “Mabuhay ang manggagawang Filipino!”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *