Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, pressure kung magda-Darna

ISA si Maja Salvador sa pinagpipilian para  gumanap na Darna kasama sina Nadine Lustre at Pia Wurtzbach base ito sa kanyang karisma at kakaibang pag-arte. Kung pag-uusapan naman ang action routine, pasadong-pasado rin ang aktres dahil sa husay sumayaw.

Matatandaang umatras si Liza Soberano sa pagiging Darna dahil nagkaroon ng bali sa daliri. Kaya naman, naghahanap ngayon ang ABS-CBN ng pampalit kay Liza. Ang tsika, gustuhin mang mag-Darna ni Maja, sobra siyang nape-pressure kung tatangapin niya.

Inamin nitong na-shock siya nang malamang marami ang may gustong mag-Darna siya. Mas pinili na lang tumahimik ni Maja sa isyu bilang respeto kay Liza.

Aniya, masakit kay Liza ang naging pag-atras dahil gustong-gusto nitong mag-Darna.

Sa ngayon, nagdadalawang-isip si Maja sakaling ialok.

“Ang pressure kasi. Ang laking pressure lalo na from Angel Locsin, na-announce na nila si Liza. Nakatutuwa lang na marami ang may gusto, pero ‘di ko kayang sagutin kung tatanggapin ko kasi ang hirap magsalita. Nandoon ako sa ang hirap sundan,” pahayag nito.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …