Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalaga ni Ina, bet ni Lea na mag-Darna

IKATUTUWA ni Lea Salonga kung ang anak ni Ms. Sabado Girl, Ina Raymundo ang mapipiling mag-Darna. Siya si Erika Ray, 17, at may taas na 5’5″.

Gustong sundan ni Erika Ray, na isa ring morena, ang yapak ng kanyang ina.

Ani Lea, may kuwalipikasyon ang dalaga ni Inah kaya bagay mag-Darna.

Sinabi pa nitong ang istorya ng Darna ang ibenebenta at hindi kung sinong sikat na aktres na gaganap.

Samantala, hindi lang pala kami ang nagkamali na ang nasa picture na nakalagay sa pep.ph ay picture ng anak ni Ina na ang buong akala naming ay ang aktres.

Ani Ina, mahilig kumanta ang kanyang anak kaya alam nitong showbiz din ang lalandasin ng anak. “May pangarap nga ako na nakikini-kinita ko na when she’s at the right age, parang ‘yung ‘Sabado Nights’ commercial ko, it’s so nice to pass it on to her.

“Na parang nasa bar kami ‘tapos siya ‘yung papasok, ‘tapos magmi-meet kami as mom and daughter, may date kami. Ayaw kong mag-preempt, pero I’m such a daydreamer. So, that’s one of my daydreams na sa kanya malilipat ‘yung title.”

Pangarap din ni Ina na maging Miss Universe ang kanyang anak pero wala namang interes ang anak sa pagsali sa beauty pageant.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …