Saturday , November 16 2024

Congressman Erice, kompiyansang pasok si Mar Roxas sa top 12

KOMPIYANSA si Caloocan City Congressman Egay Erice na makababalik sa senado si dating DTI secretary Mar Roxas dahil patuloy ang pagbuhos ng suporta sa kanya ng publiko.

Minaliit ni Erice ang inilabas na resulta ng Pulse Asia survey na nagpapakita na wala sa magic 12 ang pangunahing kandidato ng oposisyon.

Ayon kay Erice, campaign manager ni Roxas, masyado nang delayed ang 10-14 April Pulse Asia survey dahil katapusan na ng buwan at marami nang nangyari sa nakaraang dalawang linggo.

Sinabi ni Erice na 10 araw nawala si Roxas dahil sinundo ang kanyang mag-iina sa Amerika pabalik ng bansa ngunit naging agresibo ang kampanya at pag-iikot niya nang dumating.

“Kaya nga sa aming internal surveys, kasama ang Magdalo survey na may petsang April 23 at 25, nasa top 12 na si Mar at naniniwala kaming patuloy pa itong tataas sa mga darating na araw,” sabi ni Erice.

Pinasalamatan din ni Erice ang mga mamamayan sa mainit na pagtanggap kay Roxas saanmang lugar siya mapunta kaya malaki umano ang tsansa na sa huling bahagi ng kampanya ay mararamdaman ang paglakas ng dating kalihim.

“Kung mayroon mang malinis, matalino at totoong naglingkod sa bayan nang walang bahid, walang iba kundi si Secretary Roxas ‘yan kaya alam kong malaking factor ito sa pananatili niya sa top 12,” sabi ni Erice.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *